student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter 31

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter 31   Sat Oct 17, 2009 3:54 am

Short Film Coming : Negative One
" Ang Pagbabalik "
Chapter 31

Ann : Ate!
Anton : miss kapatid mo to?
Mia : kapatid nya ko baket
Anton : wala lang … o may papasok, tumabi muna kayo … miss dito ang daan, pakitaas lang po ang blouse
Panglimang babae : … (itinaas yung blouse)
(flash)
Mia : alam nyo bang bawal ginagawa nyo!
Anton : miss pwede ka nang pumasok
(then tumuloy na)
Mia : at ano yang camera nyo, pang-souvenir? ang galing nyo naman!
Anton : for your information miss, miss na makulet … ito ay tinatawag na, ADVANCE TECHNOLOGY, X-RAY BOMB SEARCHING CAMERA … may kakayanan itong maka-detect ng delikadong silicon gel na bomba na usong gamit na ngayon ng mga terorista
Ann : eh yun naman pala Ate eh
(then magtataas na sana ulit ng blouse)
Mia : magtigil ka ngang babae ka, hampasin kita neto gusto mo! kung hindi lang kita naging kapatid … nagpapauto ka naman sa mga gagong to!
Ann : pero magagalit na si Mama, ayaw pa naman nyang pinaghihintay sya
Mia : tumahimik ka! … at kayo naman! nasan ba supervisor nyo at maisumbong ko kayo sa mga iligal at pang-aabuso na ginagawa nyo!

(dumating agad yung supervisor)
(tinago ni Christoper mga picture)

Supervisor : anong problema dito? kanina ko pa kayong naririnig na nagsisigawan
Anton : Sir
Mia : ay buti na lang po dumating kayo … etong mga to eh! inaabuso nila yung posisyon nila para makapang-boso ng mga babaeng pumapasok dito! tanungin nyo po sila
Supervisor : Anton, totoo ba sinasabi ng babaeng ito?
Anton : wala po akong alam sa pinagsasabi nya Sir … matigas lang po talaga ulo ng babaeng yan, ayaw nya po kasing hayaang tignan namin yung maletang hawak nya Sir
Mia : aba!
Christoper : nakakadistorbo na nga po sya sa iba pang mga pumapasok po Sir eh
Mia : tumigil nga kayong dalawa! ni wala nga kayong pakialam sa mga bag nung kaninang mga pumapasok, pinatataas nyo lang mga blouse nila!
Supervisor : totoo ba yon Anton?
Ann : Ate, ginagawa lang nila trabaho nila
Anton : tama po yun Sir sinabi nya, nagtratrabaho lang kaming dalawa dito nang maayos at disente, hanggang sa dumating to
Christoper : tama po yun Sir
Ann : Ate, kung magwawala ka pa, hindi talaga tayo papasukin nila
Mia : (todo sigaw) aah---!!!
Ann : (awkward face)
Mia : eto! yang camera! yang camerang yan! hindi pa sila nakontento sa pagtaas-taas lang ng blouse ng mga babae, ginagawan pa nila ng album! mga, manyakis! manyak!!!
Supervisor : miss, sumusobra naman yata kayo, sinisiraan nyo na nga mga tauhan ko, iniinsulto nyo pa … kasobrahan na yan
Mia : tanungin mo! tanungin mo sila kung ano ang gamit ng camera na yan! pagsasamantala sa kainosentihan sa mga magagandang dilag na katulad namin! tanungin mo, dali!
Supervisor : eto ba?
Mia : yan nga, bulag ka ba? huh?
(flash)
Mia : anong?
Supervisor : ginagamit namin to para matandaan yung mga taong hindi na pwedeng pumasok kailanman sa lugar na to
Mia : anong sinabi mo!?
Ann : yan Ate, hindi ka na pwedeng pumasok tuloy
Supervisor : Ate mo to?
Anton : magkapatid yang dalawa Sir, pero sa palagay ko, anak ng demonyo yung isa … pero hindi ko sasabihin kung sino

(kinunan din ng supervisor si Ann)
(flash)

Ann : huh? bakit nyo po ako kinunan?
Supervisor : ilagay nyo to dyan … wag nyo nang papapasukin tong magkapatid na to
Mia : hindi nyo pwedeng gawin yan! kami nagrereklamo! kami dapat nyong pakinggan!
Supervisor : kayo dyan, pakilayo tong mga to dito sa malayo
Mia : ano!?
Ann : Ate (natatakot)

(may mga dumating na ibang dalawang gwardya)
(hinawakan sila Ann at Mia papalayo)
(umalis na rin yung supervisor)

Mia’s voice : mga walanghiya kayo! magbabayad din kayo kala nyo! mga shet kayo!!!
Supervisor’s voice : kuryentihin yan
(bzzt---!)
Mia’s voice : aah---!!!

Anton : … ano, patingin nga ulit yung mga nakuha natin
Christoper : buti na lang Anton ipinahiram mo sa kin tong uniform mo at saka isinama mo ko dito
Anton : ano ayos ba? sabi ko sayo enjoy dito eh … eto, da best to oh
Christoper : (agreeing gesture)

(may dumating na isang gwardya)

Anton : o pare, maaga ka ngayon ah
Rex : maganda lang gising ko ngayon pare
Anton : time na ba? … o sige pare, bahala ka na dito … tara na Tupe
(umalis na yung dalawa … hindi dala yung Polaroid camera)
Rex : …
(may dumating na machong lalake)
Rex : inspection lang po Sir, pakibaba lang ng pantalon
Lalake : … (nagbaba ng pantalon, walang brief tapos itinaas din yung t-shirt)
Rex : (tinignan nang mabuti) o sige Sir, dumaan na kayo
Lalake : (itataas na sana yung pantalon)
Rex : teka lang po Sir, (kinuha yung Polaroid camera) X-RAY BOMB DETECTOR lang po muna
Lalake : … (ibinaba ulit yung pantalon at itinaas yung t-shirt)
(flash)
Rex : (tinignan yung picture) … o sige, malinis ka, pwede ka nang pumasok
Lalake : (nagdamit na ulit tapos tumuloy na)
Rex : (sipol habang tinitignan yung picture)

(end of film)

--- end of Chapter 31 ---
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter 31
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Shingeki no Kyojin Chapter 55
» No new Fairy Tail chapter this week.
» The Beginning of the N: Chapter 1
» Look Back To Yesterday The Final Chapter Part Two

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: