student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter 53

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter 53   Sat Feb 20, 2010 10:12 pm

Short Film Coming : Negative One
" Ang Pagbabalik "
Chapter 53

(other location)

< Mia > : sinundan daw nya isang manlalaro hanggang sa dressing room para hingin yung autograph nito … mula doon, nagsimula daw itong maghubad sa harap nya ng hindi namamalayang pinapanood sya … isa-isa nyang hinubad mga damit nya pati yung pinagpawisang brief … hindi ko na naintindihan mga sinunod nyang sinabi kasi puro angulngol na lang at puro hinga ng malalim naririnig ko sa kanya sa kabilang side ng confession room
(enter Christoper)
< Christoper > : Mia, Ann, nakita ko rin kayo
< Mia > : Tupe, totoo ba yung balita na sila Piolo Pascual at si Sam Milby na daw?
< Ann > : bali-balita lang yon ano ka ba
< Christoper > : anong nangyari sayo, may saklay ka
< Mia > : wala konting galos lang, matatagalan nga lang paggaling
< Christoper > : … ang weird kase, parang hindi ko natatandaan na, nagpa-party ako
< Mia > : panay toma ka na naman, magkape ka muna kaya
< Christoper > : ang sakit ng ulo ko ngayon … Ann, hindi ka maniniwala, naalala ko sila Paul at Nelson, may ideya ka ba kung nasan sila?
< Ann > : kay Nelson wala pa, pero kay Paul meron na
< Christoper > : nasan na sya?
< Mia > : hi Tupe, na-miss mo ko? ako na to, si Paul
< Christoper > : (awkward face)
< Ann > : sya talaga si Paul Tupe, nagising sya sa ospital sa katawan ni Mia
< Mia > : hindi ko nga alam kung bakit … pero marami na kong planong gawin sa katawan na to
< Christoper > : tulad ng ano?
< Mia > : ang maligo araw-araw … may kasabihan kasi, kapag naliligo ka araw-araw, bakla ka
< Ann > : (awkward face) … ikaw Tupe, naliligo ka ba araw-araw?
< Christoper > : oo naman hinde … kung ikaw nga si Paul, patingin nga ng pepe mo
< Mia > : yun lang ba (then maghuhubad sana)
< Ann > : Paul ano ba! kahit papano kaibigan ko pa rin si Mia noh, magtigil ka nga
< Mia > : … mamaya na lang
< Christoper > : sige
< Mia > : crush ko pa naman si papa Piolo matagal na, pero may Sam Milby na sya

(other location)
(school)
(lumalabas si Mia na may saklay sa CR ng mga babae)

< Christoper > : ..?
< Mia > : o Tupe, may klase ka pa?
< Christoper > : anong ginagawa mo sa CR ng mga babae?
< Mia > : babae ako ngayon pare, syempre sa pambabaeng CR din ako papasok
< Christoper > : … maganda ba sa loob ng CR nila?
< Mia > : heaven pare, hindi mapanghe … ngayon ko nga lang nakikita yung mga hindi ko pa nakikitang magagandang babae sa school
< Christoper > : eh pano ka ngayon kung umihe
< Mia > : patayo
< Christoper > : good, kasi kung paupo (pinapatunog mga daliri) … isa sa ating dalawa ang masasaktan, at hindi ako yon
< Mia > : balita ko may anak ka na ah, nakalimang anak ka na daw
< Christoper > : hala!
< Mia > : mula sa apat na babae, totoo ba yon?
< Christoper > : ang sipag ko naman
< Mia > : (natawa)
< Christoper > : eto na pala si Ann, absent kanina yan eh
(enter Ann)
< Ann > : Tupe, anong ginawa kanina?
< Christoper > : o ba't late ka yata
< Ann > : walang MRT, sarado, natrapik ako ng grabe sa bus
< Christoper > : ba't naman nagsasarado MRT? may bomb threat ba?
< Ann > : wala, ewan ko lang pero sabi nung gwardya, may kinalaman daw sa lihim na pagkikita nila Piolo Pascual at Sam Milby kaya nagsara yung MRT
< School Announcer's voice > : attention everyone, this is your dean speaking … to all those students who want to make their entries for the upcoming short film contest, there will be a delay due to Piolo and Sam controversy, pati ekonomiya ng Pilipinas nadadamay nang dahil sa kanila … again, there will be a delay so take your time
< Christoper > : buti na lang na-delay, hanggang ngayon wala pa rin kasi si Anton … di ba Ann may kotse ka
< Ann > : color coding ako ngayon … nakilala nga pala ako ng Mommy ni Anton sa mall, nagtatanong kung may ideya daw ako kung nasan sya, sabi ko wala po pero magtatanong-tanong din ako
< Christoper > : tinawagan ko na si Rex para tumulong sa paghahanap … mahahanap din yung mokong na yon
< Mia > : ba't sino ba yon?
< Christoper > : isa pa naming kagrupo, hindi mo kilala
< Ann > : ang lungkot ngang tignan nung Mommy ni Anton eh, mukhang nag-aalala talaga

(other location)
(Ann's house)

< Ann > : (making a phone call) … hello, pwede po kay Mia?
< Mia's voice > : ito na nga baket
< Ann > : hello Paul, nandito na si Tupe, ikaw na lang ang hinihintay
< Mia's voice > : kayo na lang ang maghanap, may gagawin pa ko
< Ann > : ba't anong gagawin mo?
< Mia's voice > : … kakaen
< Ann > : kakaen? tamang-tama dyan na rin kami kakain ni Tupe sa inyo
< Mia's voice > : kakain ako sa labas
< Ann > : kakain sa labas? sama ako
< Mia's voice > : hindi na
< Ann > : ako naman magbabayad eh
< Mia's voice > : wag na sabe ba-bye na
(hang-up)
< Ann > : …

--- end of Chapter 53 ---
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter 53
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Shingeki no Kyojin Chapter 55
» No new Fairy Tail chapter this week.
» The Beginning of the N: Chapter 1
» Look Back To Yesterday The Final Chapter Part Two

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: