student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter Four

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter Four   Sun Jan 04, 2009 11:02 pm

Short Film Coming
THE ORIGIN
Chapter 4

(blackscreen)

AIDS AWARENESS
LEVEL 99,999 MAX

(nasa kalye)
(may barangay tanod na babae na may pinapatay na tao)

Susan : kala mo makakatakas ka pa ah (may tinataga sa lupa, puro dugo yung itak) … kayo pala! bakla ka ba! o kaya balak maging bakla! kung ganon, tumawag sa mga numerong ito agad para mapatay kita!
(showing numbers on screen)
555-BABAKLA

(may umentrang bakla at malanding pinagpapapalo si Susan)
Bakla : walanghiya ka! pinatay mo mga kaibigan ko! (iyak)
Susan : (awkward face then sinuntok sa mukha yung bakla at tinuhod sa tiyan … pagkatapos ginilitan yung leeg) … (kausap sa camera) no way na masasaktan ako ng isang pipitsuging tulad niyang gustong magpanggap na maging babae! (then dinilaan yung itak na may dugo)

(’ring’ ‘ring’)
(enter audioman)

Audioman : Susan, phone (binigay yung cellphone then umalis na)
Susan : hello!
Man in phone : yes hello, parehas tayo ng paniniwala kaya may alam akong tao, gusto ko syang makita mo
Susan : ganun ba? mabuti naman … teka, bakla ba sya?
(binaba na yung phone sa kabilang linya)
Susan : hello? hello?
(enter audioman na may dalang malaking package)
Audioman : Susan, package at mukhang mabigat ang isang ito
Susan : ilapag mo dyan
(nakalapag na yung package, tapos binuksan ng audioman … isang negrang babae ang nakatali at naka-duck tape ang bibig)
Negra : mmph (may gustong sabihin pero may takip ang bibig)
Audioman : tao pala to (then tinanggal yung duck tape sa bibig)
Susan : tabi dyan! (tinulak yung audioman) ikaw siguro yung itinawag sa kin ng source ko sa phone! (itinayo yung negra)
Negra : teka, asawa ko yun! walanghiya sya! gusto nya kong ipapatay!
Susan : manahimik kang bakla ka! (sinuntok sa tiyan)
Negra : ungh … hindi, ako, bakla
Susan : at nagsisinungaling ka pa! eto ang sayo!
(close-up ASIDO)
Susan : (ibinubuhos yung asido)
Negra : (habang binubuhusan, may usok-usok pa) aahhh!!!
(close-up) Negra : aah—-!!! (binubuhusan pa rin)
(tapos naging kalansay na lang) : aahhh!!!
Susan : (sinipa yung kalansay pagkatapos) (kausap sa camera) mas mabuti ang mundo kung walang mga bakla! tandaan nyo yan!

(enter anak na batang lalake)
Little boy : hu—- (umiiyak) hu—- Ma—-, Mama
Susan : o anak! umiiyak ka ba?
Little boy : Ma, hinalikan ako ng kaklase kong bakla (iyak)
Susan : hinalikan ka!?
Little boy : opo
Susan : hinalikan ka ng bakla!?
Little boy : opo!!! (iyak)
Susan : anak, may solusyon ako dyan! (may kinuha)
(close-up GAS)
Susan : (ibinuhos sa anak)
Little boy : ..! (basang-basa sa gas)
(close-up) Susan : … (nagsindi ng posporo then niliyaban ang anak)
Little boy’s voice : aahhh!!!
(clip) (isang tao ang nasusunog ng buhay)
tao : aah—-!!! (gabi yung clip)
(then daylight ulit)
Susan : dito sa barangay namin, wala kaming kinukunsinte kahit sino, kahit sino! ang makipaghalikan sa kapwa lalake, ay kabaklaan!!! hinding-hindi ko mapapalagpas ang mga …
(may duguang bakla ang umentra at lumapit kay Susan)
Bakla : tulong … tulungan mo ko parang awa mo na
Susan : … ( kinuha yung itak at sinaksak yung bakla)
Bakla : uh (patay, bagsak sa lupa)

(enter Nelson)
Nelson : nice work sweetheart (tungga ng gin) … sa palagay ko, masaya si Lord at pinapatay natin sila
Susan : tama ka dear, ayon sa biblia, pagsuway sa kagustuhan ng Diyos ang mga tulad nila! babae’t lalake lang ang nilikha ng Diyos at wala ng iba! eto nga pala si Father Domingo para sa iba pang ditalye … roll clip!

(clip) Father Dominggo : … (reading a bible then look at the camera ) ang
(quick cut)

(back to them)
Susan and Nelson : … (just standing, waiting)
Susan : … tapos na? tapos na ba?
Nelson : (tungga ng gin)
Susan : okey … (kausap sa camera) okey tama sya, tama si Father Dominggo sa mga sinabi nya
Nelson : … (’agreeing’ gesture)
Susan : mga salitang galing sa susunod na Santo Papa
Nelson : balita ko rin yan sweetheart, totoo yan, (tungga ng gin) at kitang-kita ko sa mga mata ni Father Dominggo ang nagliliyab na galit sa mga makasalanang mga baklang yan!
Woman’s voice : ibalik nyo na plantsa ko! ibalik nyo na!!!
Nelson : ..! tumahimik ka! isusuli ko rin yon! (tungga ng gin)
Woman’s voice : mamamatay tao kayo! mamatay na kayo!
Nelson : tumahimik ka sabe!
Woman’s voice : mamatay na kayo!
Nelson : tumahimik ka sabe! (binato yung gin) gusto mong upakan din kita! (then napansin yung audioman) … ikaw! ano yan!? ha!?
Audioman : ..! (nakaholding hands sa isang lalake)
Susan’s voice : Dear, nagho-holding hands sila!
Audioman : pero pinsan ko to
Nelson : pinsan mo!? sinong niloko mo!? parehas kayong may wedding ring!
(close-up sa wedding rings)
Audioman : takbo!
(then tumakbo sila at hinabol nina Nelson at Susan na may hawak na baseball bat)
Nelson : (ginamit whistle) prrrt!!! bumalik kayo! pag-usapan natin to!
(fading to blackscreen)

(print one by one)

- PREVENT AIDS
- USE CONDOMS

(then back to them)
(Susan and Nelson are batting someone on the ground)

Susan : … (tumigil muna, hinga ng malalim) Dear, may sasabihin ako sayo
Nelson : (still batting) ano yon?
Susan : … may AIDS ako
Nelson : alam ko
Susan : alam mo?
Nelson : (stop batting) … sa kin mo nakuha yun eh (then bat again)
Susan : … (’oh well’ gesture then continue batting)
(fading to blackscreen)
(end of film)

(Auditorium)

Teacher on stage : and the winner in junior college entries … from section ten group seven!
(everyone clapping)
Paul : pare, tayo yun! tayo nanalo!
Christoper : talaga!
Paul : tayo nanalo pare! tayo nanalo!
Christoper : tayo nga ang nanalo ang galeng!
Ann : ikaw na Tupe kumuha ng excemption papers natin
(in slow motion)
Christoper : … (tumayo then pagkahakbang, nadapa)

(other location)
(Christoper’s room)

Christoper : (nahulog sa sahig) … (nananaginip lang pala) uh, panaginip na naman
(in the kitchen)
Christoper : …
(enter Dad)
Dad : good morning anak
Christoper : Dad! kailan pa kayo dumating?
Dad : kagabi lang, nanggaling akong out of field work (eat breakfast as well)
Christoper : …
Dad : …
Christoper : … ah Dad? nabalitaan nyo na siguro kay Mama
Dad : na ano? (habang nagbabasa ng dyaryo)
Christoper : Dad, alam nyo na
Dad : … (no response, still reading the newspaper)
Christoper : … hindi ako makapaniwala na na-suspended ako dahil sa gumawa ako ng makabuluhang video na may sense
Dad : pero ikaw talaga gumawa nun di ba, kaya ka na-suspend?
Christoper : … ganun na nga po
Dad : that’s my boy … isang beses na lang baka matsambahan mo na yung expulsion … I’m so proud of you
Christoper : … (awkward face)
Dad : aba! ngayon ko lang yata nabalitaan na may ginawa kang kalokohan sa school for the first time … sabihin mo, anong ginawa mo sa tunay kong anak, ha?
Christoper : Dad talaga o (then napangite)
Dad : (ginulo buhok ni Christoper then kumuha ng sandwich) alis na ko
Christoper : … (kumain ulit then napansin yung pitakang naiwan ng Dad nya … binuksan nya at sa likod ng I.D. may picture din ng Dad nya na may kaakbay na lalake)
Christoper : … (serious, looking upset)

( other location )
( house gate )

Christoper : … (pauwi na sa gate)
(Jibert and Joey approach Christoper in bikes)
Jibert : Tupe!
Christoper : ..?
Jibert : ano arcade tayo!
Christoper : bagong bike nice! (pinagsisipa yung bike ni Jibert) matibay ba to?
Jibert : wag pare … ikaw kaya sipain ko
Christoper : relax, marami sa tindahan nito … ayos to ah
Joey : wala ka Tupe, kahapon may dayo … may mga sinabi din
Christoper : talaga? kilala nyo?
Jibert : hinde
Joey : ano, baka mamaya, nandoon ulit yung mga yun
Christoper : hindi pwede mga men, pinaparusahan pa rin ako … eto nga, panglinis, pinaglilinis na naman ulit ako ng attic namin … mamaya, magpipintura pa yata ako
Mom’s voice : Christoper! hindi ka pwedeng umalis ha! wag mong isiping makakatakas ka!
Christoper : opo Ma!!!
Jibert and Joey : (natatawa)
Mom’s voice : magsaing ka na dito! ano ba!
Christoper : kanina pa ko nagsaing ah!
Mom’s voice : magsaing ka ule!!!
Joey : … pano pare, mukhang marami ka pang gagawin … sige
Jibert : saka na lang men, sige
Christoper : oo
(umaalis na sila)
Christoper : pagahasa kayo!
(tapos pumasok na sa gate)

( other location )
( school )

Ann : … (walking while inaayos ang damit and then noticed Christoper from afar)
Christoper : … (sitting, eating ice cream sa cup)
Ann : … (pinuntahan siya) Christoper! wala ka kahapon ah, absent ka ba?
Christoper : ..? hindi ka galit sa akin?
Ann : anong pinagsasasabi mo?
Christoper : na-suspend tayo ng sampung araw … dahil sa akin (nagkamot ng ulo)
Ann : wala sa kin yun … (kinuha yung pocket powder) ako, kapag nagdesisyon, hindi ko pinagsisisihan at hindi rin ako naninisi … perfect na ba ako?
Christoper : eh sila Nelson at Paul kaya?
Ann : … (nakita) tanungin mo sila, ayun o
(showing nag-uusap sila Nelson at Paul)
Ann : anong flavor yan?
Christoper : ..? utot flavor
Ann : ay favorite … penge (kinuha ice cream ni Christoper)
Christoper : sige, sayo na lang
Ann : mauna na ko … kokopya pa ko ng assignment (then leave)
Christoper : … (after Ann leave, tumayo na rin, gustong puntahan sila Nelson at Paul)

( other location )
( temporary subtitle )

AFTER SUSPENSION
DAYS OF MIA … 63

Paul : eh alam mo yung bandang Garbage? the best yun, malupit pate
Nelson : Garbage na banda? hindi ko pa naririnig yon
Christoper : kamusta (medyo nahihiya)
Nelson : … Christoper, hinahanap ka ni Ann
Christoper : kanina nagkita kami … kanina don
Paul : sabi ni Nelson, wala daw na bandang Garbage
Nelson : wala akong sinasabing wala, hindi ko lang naririnig na merong Garbage
Paul : sa tuwing bibili nga ako ng album nila, sinasabi ko, miss, meron kayong Garbage? sasabihin naman ng saleslady, sa labas meron
Nelson : (nangingite) sa labas oo
Paul : sa ibang store naman, miss, may Garbage na CD kayo? tapos ipapakausap ako sa janitor nila
Nelson : (natawa)
Christoper : … hindi ba kayo naapektuhan ng, suspension?
Paul : ..?
Nelson : ako, nag-enjoy akong dinadalaw ng boyfriend ko sa bahay araw-araw
Christoper : … (awkward face)
Paul : … ako rin eh, nag-enjoy akong sinusundo sa school si Mia araw-araw
Christoper : wow! ako lang pala itong naging misirable … malay ko kasing may magwawala sa isa sa mga guest na judge, talagang nagalit eh pagkatapos ng video
Paul : bakit kaya?
Christoper : oo nga, bakit kaya?
Nelson : ngayon lang nangyare sa school natin to, tapos, yung video nating yun, nakakalat na pala sa buong internet
Paul : naka-translate na nga sa 7 language eh
Nelson : balita ko, nadagdagan pa ng dalawa kahapon
Paul : score!
(nag-high five sila Paul at Nelson)
Nelson : (hindi umapir, binatukan si Paul then tawa)

— end of Chapter 4 —
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter Four
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Shingeki no Kyojin Chapter 55
» No new Fairy Tail chapter this week.
» The Beginning of the N: Chapter 1
» Look Back To Yesterday The Final Chapter Part Two

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: