student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter Five

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter Five   Sun Jan 04, 2009 11:04 pm

Short Film Coming
THE ORIGIN
Chapter Five

( in the hallway )

Sir : ah Christoper
Christoper : ..? Sir (lumapit)
Sir : inexcempt ko na nga pala kayo ng mga kagrupo nyo sa ngayong project video … kahit paano, may responsabilidad din ako sa nangyare … wag na kayong gagawa ng katulad non
Christoper : opo Sir

(may dumaang teacher na babae)

Sir : … (tinitignan yung teacher na dumadaan)
(pagkaalis ng teacher)
Sir : ang ganda talaga
Christoper : nakita ko Sir, tumingin sayo tapos kumindat sa kin
Sir : sabi nila, may parang porcupine daw yan sa kilikili pero niyaya ko pa ring makipag-date sa kin … pumayag!
Christoper : whoa! That’s great! ( tinapik sa balikat si Sir) nicely done Sir! Ngayon, ang kulang na lang sa inyo magpatule
Sir : (awkward face) pero, tuli na ko
Christoper : o-key, “what-ever” (doing hand quotations)
Sir : ..? gusto mo bang bumagsak?
Christoper : o-key, “what-ever” (doing hand quotations)
Sir : itigil mo na nga yan!
Christoper : (doing it again) o-key, wha
(quick cut)

(outside the campus)
(Nelson and Ann walking … Ann reading a book)

Nelson : ano yang binabasa mo?
Ann : tungkol sa science
Nelson : science, okey yan
Ann : alam mo ba na, sa sampung unicorn na namamatay, isang leprechaun ang nabubuhay?
Nelson : … (awkward face)
Ann : … (then noticed Trevor from afar) hindi ba si Trevor yun?
Nelson : asan?
(showing Trevor, ngumiti sa kanila)
Nelson : (nod once)
Ann : saan ba nag-aaral yan?
Nelson : sa International School
Ann : ang yaman, gwapo pate … may kapatid ba yan?
Trevor : hi baby (inakbayan si Nelson)
Nelson : … bago na naman kotse mo?
(showing Trevor’s awesome car)
Trevor : may bagong collection ulit si Dad, nag-drive muna ako ng isa
Ann : yun ba? Wow! Trevor pasakay naman … pwede?
Trevor : ano, sasakay daw? (tinanong si Nelson)
Nelson : … absent ba ngayon si Dylan?
Ann : absent
Nelson : … o sige
Trevor : sige daw
Ann : yehey! (tumakbo, nauna na)

(other location)
(campus stairs)

Mia’s voice : wow! Ang laki ng trophy mo! Impress talaga ako sa boyfriend ko
Paul’s voice : ano, gustung-gusto mo na ba ko?
Mia’s voice : ang gusto ko sa lalake gwapo, gwapo at macho, tulad mo … gusto ko rin matalino, matalino at madali akong mapatawa … tulad mo ulit
(Paul is sitting watching his record of Mia in the camera)
Mia in the camera : (holding a trophy) alam mo, sabi ni Ann lolokohin mo lang daw ako … totoo ba yon?
Paul’s voce : gugulpihin ko yun, tapos itatali ko sa flagpole nang hindi na magsinungaleng
(normal view)
Paul : (natawa)
Mia’s voice : biro lang noh! Hindi ganun si Ann … talaga Paul, manggugulpi ka ng tao para sa ken?
Paul’s voice : anything for you, baby
(Paul lipsync what he said in the camera then smile)
Mia in the camera : Paul … nasabi ko na bang I love you?
Paul’s voice : hindi pa
Mia in the camera : I love you
(Paul replayed the camera)
(normal view)
Mia’s voice : Paul … nasabi ko na bang I love you?
Paul’s voice : hindi pa
Mia’s voice : I love you
(replayed again)
Mia’s voice : nasabi ko na bang I love you ?
Paul’s voice : hindi pa

(other location)
(inside the campus)

Ann : wow! Nag-enjoy talaga ako sa kotse ng boyfriend mo kahapon … ang taray, high class, ibang klase talaga
Nelson : hindi ko alam mahilig ka pala sa kotse
Ann : oo naman, kung siguro madalas kaming nag-uusap ng Daddy ko, madalas kaming magkwekwentuhan tungkol sa mga kotse
Nelson : eh ba’t, anong ginagawa ng boyfriend mo?
Ann : hindi mahilig sa kotse yon, iba hilig non … ah basta, magkakaroon din ako ng mas magandang kotse baling araw … yung convertible sana gusto ko (tapos nag-suklay ng buhok)
Nelson : sabi ni Trevor, Enzo Ferrari daw pinakamahal na kotse na naibenta, meron sila non pero ayaw pagamit sa kanya

(other location)
(campus stairs)

Christoper : … (bumababa ng hagdanan)
(Nelson and Ann are sitting in the stairs)
Christoper : … (sumiksik sa gitna nila)
Ann : (holding a cellphone) … ang tagal mag-reply ni Dylan, nagugutom na ko
Christoper : kumain ka mag-isa
Ann : nyi—- ayoko (then nag-suklay ng buhok)
Christoper : … ako, sa tuwing Pasko, kapag may nagti-text sa kin ng Merry Christmas and a Happy New Year, ang reply ko … shut, up (‘texting’ gestures)
Nelson : (smiled awkwardly) ba’t mo naman ginagawa yon?
Christoper : … (‘ewan ko’ gestures)
Ann : may gagawin ba kayo mamaya?
Christoper : wala naman baket?
Ann : manood tayo sa Auditorium, tara, mamaya
Christoper : magpupunta naman talaga ako dun mamaya
(temporary subtitle)

DAYS OF MIA … 49

Ann : sabay-sabay na tayo … Nelson sunduin mo ko
(then dumaan si Paul)
Christoper : Paul! Manonood kami kahit wala tayong entry, sama ka?
Paul : (lumapit) Ann, nakita mo ba si Mia?
Ann : huh? Malay ko
Christoper : huy Paul!
Paul : susunod na lang siguro ako (then umalis na)
Nelson : … ba’t ayaw na lang nyang tawagan sa cellphone?
Christoper : … (‘ewan ko’ gestures)

(other location)
(Nelson, Ann and Christoper walking)

Ann : may kumakalat na balita ah, kaya mas marami daw na manonood sa may Auditorium ngayon kaysa nung dati
Christoper : narinig ko may gagamit daw ng mura na yon sa isa sa mga ipriprisintang mga video sa Auditorium
Nelson : ang alin, yung mura na yon?
Christoper : oo, yung mura na yon
Ann : pero ang alam ko ipinagbabawal gamitin yung mura na yun ah
Nelson : sigurado ka may gagamit ng mura na yon sa isa sa mga video?
Christoper : oo, sigurado ako, gagamitin nila yung mura na yon sa isa sa mga video na ipriprisinta sa Auditorium mismo
Nelson : naku, oras na gamitin nila yung mura na yun, sigurado ako, maraming tao ang mas masasaktan
Ann : ba’t ano ba yung mura na gagamitin nilang yun? Naghuhula lang ako dito eh
(they stop walking)
Christoper : okey, ready na ba kayo?
Nelson and Ann : …
Christoper : gagamit sila ng … pun-ye-ta
Ann : punyeta?
Christoper : punyeta!
Nelson : narinig ko rin, punyeta nga gagamitin nilang mura sa video
Christoper : nakakatakot, punyeta, punyeta ang gagamitin nila!
Ann : ano ba yan punyeta … ang lakas naman ng loob nilang gamitin ang murang punyeta
Christoper : nakakalungkot nga eh, maraming buhay ang nawasak dahil lang sa murang punyeta
Nelson : aso ko naglayas ng bahay dahil nasigawan lang ng kapitbahay namin ng punyeta
Ann : ako, mapagsabihan lang ng punyeta, susunugin ko sarili ko
Christoper : ako rin

(blackscreen)

PIRACY
PART ONE

(nasa kalye)
Angel : … grabe, laganap na dito sa lugar na to ang bentahan ng pirated CD
Devil : ayun na yung mortal na hinahanap natin
Angel : teka hintay!

(other location)

Rose : … (busy selecting pirated CD)
Devil : sigurado, bibili sya ng pirated CD at mapupunta ang kanyang kaluluwa sa impyerno … kasi ang bumili ng pirated CD ay malaking kasalanan
Angel : hindi kaya … malaki ang paniniwala ko na may mga mortal din na kayang isalba ang sarili nila papalayo sa impyerno noh
Devil : isa lang ang solusyon dito … magpakita tayo sa kanya at tanungin mismo sya … handa ka na?
Angel : hindi daw dapat tayo makialam sa mga tulad nila pero … o sige!
(minor effect on screen)

— end of Chapter Five —
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter Five
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Shingeki no Kyojin Chapter 55
» No new Fairy Tail chapter this week.
» The Beginning of the N: Chapter 1
» Look Back To Yesterday The Final Chapter Part Two

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: