Short Film Coming : Negative One
" Ang Pagbabalik "
Chapter 38
(other location)
(Anton's house)
< Dad > : saan ka galing?
< Anton > : (no response)
< Dad > : Anton kinakausap kita
< Anton > : (binuksan lang yung TV)
< Dad > : (pinatay TV)
< Anton > : buksan mo, nanonood ako
< Dad > : alam mo ba to? (binato kay Anton yung mga sulat)
< Anton > : malay ko dito, wala akong alam
< Dad > : over speeding ticket, na naman! saka reklamo galing kay Mrs. Rio, pinilay mo daw aso nya ng motorsiklo mo
< Anton > : kasalanan ko bang hindi marunong umilag aso nun … kasalanan pa nga nya eh, pinapabayaang, nakakalat lang
< Dad > : hindi yun Anton eh, hindi yun … pano ko ba ipaiintindi sayo na sa buhay, may responsabilidad tayo sa bawat aksyon na ginagawa natin
< Anton > : hah--- (nagtakip ng unan)
< Dad > : papano kung hindi aso lang yung binundol mo, papano kung Van, o malaking truck nasa harapan mo na! hindi iilag sayo yun, ang bilis mo pa man din magmaneho
< Anton > : … (tumayo kinuha yung susi)
< Dad > : Anton! hindi pa ko tapos makipag-usap sayo! bumalik ka nga dito!
< Anton > : … (sumakay sa motorbike nya at umalis)
< Dad > : …
(other location)
(Christoper's house)
< Christoper > : good, luto na (kinuha cake sa oven)
< Anton > : (nagdidikdik ng droga)
< Christoper > : pwede na yan, ihalo mo na sa cake
< Anton > : … hindi na ba natin uubusin yung isang plastic?
< Christoper > : hindi na, tama na yan sa ngayon … ikaw na rin magtago nyan, nakakagamit kasi ako ng isang plastic
< Anton > : gumagamit ka rin nito?
< Christoper > : tumitikim lang ako
< Anton > : Tupe, isang supot nauubos mo, hindi tikim yun
< Christoper > : kaya nga ikaw na magtago kulit … pwede na yan
< Anton > : (tinuloy na pagbe-bake) buti nakakatagal ka pa, pinaaaprubahan pa ng Daddy ko to sa BFAD
< Mom's voice > : Christoper! nasan ang gunting! panggugupit ko sa makapal na bed cover!
< Christoper > : ginagamit namin dito Ma! punta kayo dito para gupitin ko! (hawak ang gunting)
< Mom's voice > : wag na! gagamitin ko na lang ngipin ko!
< Anton > : … nasan ba Mama mo? hanggang ngayon, lumaki tayong boses lang nya naririnig natin
< Christoper > : (ewan ko gesture) … wala akong ideya kung nasan Mama ko … lumaki na lang ako na may pagkain na lang lagi sa lamesa tuwing pagkagising
< Anton > : ninja, ninja Mama mo
< Christoper > : ninja---!!!
< Mom's voice > : di ba pinalilinisan ko sayo yung mga electric fan! ha Christoper!
< Christoper > : nilinisan ko na ah! kahapon!
< Mom's voice > : kailan mo ginawa? eh ang dumi-dumi pa netong isa!
< Christoper > : kahapon! naglinis ako ng mga yan!
< Mom's voice > : sinabon mo bang mga to!?
< Christoper > : hinde
< Mom's voice > : di ba sabi ko sasabunin mo dapat! gusto mong ikaw sabunin ko! linisan mo ulit tong mga to narinig mo!
< Christoper > : (mahinang boses) mukha mo sabon
< Mom's voice > : anong binubulong-bulong mo dyan
< Christoper > : sabi ko wala na tayong pangsabon! ubos na!
< Mom's voice > : bumili ka sa tindahan pagkatapos mo dyan! kunin mo sa lamesa yung pera!
< Christoper > : gusto ko sa inyo ko kukunin yung pera!
< Mom's voice > : ang arte mo! sa lamesa! dun mo kunin ang pera!
< Anton > : … (tinignan yung oven)
< Christoper > : maluluto na ba?
< Anton > : mamaya pa … ba't nga pala natin to ginagawa kay Rex?
< Christoper > : basta lang
< Anton > : etong sobra wala akong hinalo
< Christoper > : tara kainin na natin
< Anton > : baka yung Mama mo gusto rin
< Christoper > : Ma! may cake kaming niluto dito, sabay na tayong kumain!
< Mom's voice > : sige! ilagay mo lang dyan
< Christoper > : sabay na tayo, hintayin na kita!
< Mom's voice > : kakain din ako mamaya! kumain ka na!
< Christoper > : (angry face then eat)
(other location)
(neighbor's house)
< Christoper > : … (kinakapa mukha nya ng matanda)
< Lola > : ikaw pala anak ni Tonya huh?
< Christoper > : opo
< Lola > : buti naman dinidisiplina ka ng nanay mo, mabuti yan … pero mabait na bata yan si Tonya dati kaso, hindi ko man lang nahawakan ang mukha para makilala
< Christoper > : ah La, totoo po bang may ketong kayo?
< Lola > : ketong? wala akong ketong, bulag lang ako
< Christoper > : hindi kayo nakakarinig?
< Lola > : hindi ako nakakakita Diyos ko! ereng batang to Diyos ko, kanina pa tayo nag-uusap
< Christoper > : … ang iniisip ko bata pa kayong tignan pero nagkamali ako, mas bata pa pala kayo sa personal
< Lola > : ay wag mo na kong bolahin bata ka, ginagalit mo lang ako
< Christoper > : totoo … paglaki ko nga at nag-asawa ako, gusto ko kasing ganda nyo ngayon
< Lola > : lokolokong batang ere, tatay mo siguro scientist, manang-mana sa pag-iimbento ng sinasabe … ay naku
< Christoper > : chess tayo Lola, naglalaro kayo ng chess di ba
< Lola > : ano!
< Christoper > : chess tayo, may chess ba kayo dito?
< Lola > : ano bang … alam mo bang impusibleng sinasabi mo, ay naku, may problema ka iho, walang gamot dyan baka akala mo
< Christoper > : chess tayo, sabi ni Mama nag-world champion daw kayo sa international chess competition
< Lola > : bulag ako iho bulag ako, bulag na ko simula pagkapanganak ko … so papanong makakapaglaro ako ng chess!? aber … wag mo na nga akong kulitin, magsimula ka nang maglinis sige na
< Christoper > : … (naghahanap, walang makita) lalabas lang ako sandale kukuha lang ng chess, babalik ako agad
< Lola > : hoy bata ka! nag-iimbento ka para lang pala takasan ako! wala ka pang nagagawang trabaho bumalik ka dito!
< Christoper's voice > : babalik po agad ako! kukuha ng chess!
--- end of Chapter 38 ---