student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter 35

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter 35   Sat Oct 31, 2009 3:57 am

Short Film Coming : Negative One
" Ang Pagbabalik "
Chapter 35

< Brenda > : wah---, wala na bang mas lalala pa dito?
(dumating si Kevin)
< Kevin > : Brenda?
< Brenda > : Kevin? magiging asawa ko? mali tong nakikita mo … hindi ko gustong …
< Kevin > : Brenda, hindi ako makapaniwala … pinagmamalaki pa naman kita sa pamilya kong mga Ayala … ano na lang sasabihin ng altasosyodad
(dumating Mommy ni Brenda)
< Mama > : Brenda?
< Brenda > : Mama? (tinakpan yung mukha ng tela) Mama wag nyo kong titignan Mama … wag nyo kong titignan
< Anton > : (kinukuha yung tela)
< Brenda > : ano ba--- (ayaw paagaw)
< Christoper > : (tinulungan si Anton hilahin yung tela tapos nakuha na) … kausapin nyo na po Madam
< Mama > : Brenda? Brenda ikaw nga … bakit mo to ginagawa? (umiiyak na)
< Brenda > : Mama … hindi nyo ba nakikita? ginagahasa po ako … at ni isa sa kanila, ayaw tulungan ako, huhuhu
< Mama > : tama na, tama na sawa na ko anak … ganyan din ang sinabi mo sa lima pang ibang iskinitang nahulihan kita … ikinahihiya kita, simula ngayon hindi na kita anak
< Brenda > : pero Mama (iyak)
< Mama > : wag mo na rin akong tawaging Mama! … ungh! (inatake sa puso)
< Pulis > : okey lang po ba kayo?
< Kevin > : inaatake na naman sya sa puso! kailangan madala natin sya sa ospital kaagad
(tapos umalis na lahat … iniwan si Brenda)
< Brenda > : ano ba!!! ako! tulungan nyo din ako!!! mga bwiset!!! huhuhu (umiyak na lang)

(other location)

< Anton’s voice > : kung saan may nag-aabang na panganib
< Christoper’s voice > : kung saan ang panganib ay nag-aabang
(enter Christoper and Anton)
< Anton > : wag mag-alala at may saklolong aalalay
< Christoper > : dahil narito na
< Anton > : ang gwapong-gwapong si Anton
< Christoper > : at ang mas gwapong si Christoper … ako yon
< Anton at Christoper > : at kami ang … Tupe and Anton, ANTI TERRORIST DE—TECTIVES
(big logo on screen)
< Anton > : teka … may nahuli ba tayong terorista Detective Christoper?
< Christoper > : (smiling) wala! Detective Anton
< Anton > : ganun ba
(and then)
< Anton and Christoper > : chainsaw fight!!!
(kumuha ng chainsaw bawat isa at pinagana)
(end of film)

(other location)
(auditorium)
(may biglang nagkakagulo)
(dumating si Elvis)

< Elvis > : hala, lagot kayo
< Christoper > : bakit?
< Elvis > : dahil sa entry nyo may inatake na pala sa puso yung guest na judge kanina dun
< Christoper > : may guest na judge? akala ko, hindi na nila ginagawa yon?
< Elvis > : pupunta ulit ako don, sama kayo?
< Anton > : uuwi na ko (umalis)
< Christoper > : …

(other location)
(temporary subtitle)

FIRST QUARTER
ADDITION OF MEMORY

(Christoper’s house)

< Christoper > : … (just sitting)
< Mom’s voice > : kausapin mo nga yang anak mo!
< Dad’s voice > : baket? ano bang nangyare?
< Mom’s voice > : yan! suspended sa school! puro katarantaduhan na mga pinaggagagawa! kausapin mo!
(lumapit yung Dad ni Christoper)
< Dad > : anak, bakit naman nagwawala Mama mo?
< Christoper > : eh Dad, hindi ko naman kasalanan na may sakit sa puso yung judge sa may school kanina eh
< Dad > : … hindi naman pala nya kasalanan eh!
< Mom’s voice > : anong hinde! napanood ko na yung video! puro kabastusan pinaggagagawa nyan!
< Christoper > : si Anton nagsulat ng script non! sumusunod lang ako sa grupo!
< Mom’s voice > : nangangatwiran ka pa, baluktot naman! … naku---!!!! naku talaga naman! Wilberto!
< Dad > : ano!?
< Mom’s voice > : gulpihin mo yang anak mo, nang tumuwid naman ang kakaunting kokote! umaabuso na yan talaga!
< Dad > : eh ba’t hindi ikaw ang gumulpe sa kanya dito?
< Mom’s voice > : ikaw na! mapatay ko pa yang anak mo!
< Christoper > : eh Dad, totoo naman sinasabi ko po eh … ang desisyon ng grupo lang ang nasusunod
< Dad > : hayaan mo na, kakausapin ko na lang yang Mama mo mamaya … ilang araw ka ba masususpinde?
< Christoper > : sampung araw po

--- end of Chapter 35 ---
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter 35
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Shingeki no Kyojin Chapter 55
» No new Fairy Tail chapter this week.
» The Beginning of the N: Chapter 1
» Look Back To Yesterday The Final Chapter Part Two

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: