student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter Seven

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter Seven   Sun Jan 04, 2009 11:07 pm

Short Film Coming
THE ORIGIN
Chapter 7

(other location)
(campus hallway)

Christoper : … Paul!
Paul : (walking and then stopped)
Christoper : group meeting na natin sa waiting shed, gagawa na tayo ng script
Paul : mamaya na siguro, may pupuntahan pa ko
Christoper : baket, saan ka magpuputa?
Paul : hahanapin ko si Mia sa library
Christoper : saan ka magpuputa?
Paul : sa library! (then umalis na)
Christoper : ingat sa pagpuputa!
(then Nelson approach Christoper)
Nelson : … Christoper, sabi ni Ann hindi daw sya makakarating sa meeting ngayon … si Paul na lang ang hihintayin natin
Christoper : yun, sa tingin ko, hindi rin makakarating yun … saka na lang siguro tayo gumawa
Nelson : (kinuha yung cellphone) … baby, sunduin mo na ko … sige ba-bye
Christoper : sunod agad?
Nelson : ganun talaga kapag mahal (then napangite)
Christoper : … (awkward face)

(other location)
(Mall … inside the arcade)
(Joey is playing the arcade)

Jibert : … sabi ni Joey kasali ka daw sa bagong gagawin na video project ng kapatid nya
Christoper : ige-guest ako!?
Jibert : …
Christoper : si Erikson? Panong mangyayari yon? Eh may galit sa kin kuya nito
Jibert : (‘ewan ko’ gesture) … ako naman (nakipag-swap ng laro kay Joey)
Joey : … magkakaroon nga pala ng tournament ah, sasali ka?
Christoper : hindi ko lang alam … hassle ang gawaan ng video projects, parang sunod-sunod … ngayon nga two weeks na lang ang deadline
Joey : tinutuloy mo pa rin yun? Di ba sinuspend ka na dahil don? Pinagagawa ka pa rin nila?
Christoper : grades din yun
(nanood na lang ulit)

(other location)
(inside the Mall … outside the store)

Molly : … (nakatingin lang ng malungkot sa isang poster)
(not far)
Shiela : (noticed Molly)
Molly : …
Shiela : (nilapitan si Molly) girl, sabi mo busy ka ngayon
Molly : huh? … wala … sorry pero, ang totoo nyan … gusto ko lang mapag-isa muna … pasensya ka na
Shiela : Molly, kung may problema ka, pwede mo naman sabihin sa kin … bestfriend tayo di ba?
Molly : alam ko pero, sa ngayon, hindi ko pa masasabi … komplikado maski sa kin … saka ko na lang siguro ipapaalam kung handa na ko … at pangako, ikaw ang unang taong pagsasabihan ko
Shiela : … okey, fair enough … pero since nandito na tayo, shopping tayo para makalimutan natin mga problema natin
Molly : ikaw? Nagkakaproblema?
Shiela : oo naman! At hindi ko sayo sasabihin … (‘whisper’ gesture) wala akong boyfriend
Molly : (natawa) ikaw talaga landi-landi mo
Shiela : tara na?
Molly : (nodding yes and then smile)

(other location)
(napadaan sila Shiela at Molly sa arcade)

Shiela : parang kilala ko yun ah … tama, sya yung isa sa mga nasuspend dahil sa video nila
Molly : sino? Yung nakasalamin? Si Christoper yon
Shiela : kilala mo?
Molly : hindi masyado, naging classmate ko lang nung high school … hi-hello lang kami dati
Shiela : tara lapitan natin, may gusto lang akong sabihin
Molly : … o sige
(habang naglalakad)
Molly : crush mo, sumbong kita
Shiela : hindi ko sya crush noh, hello?
(paglapit kay Christoper)
Molly : hi Christoper
Christoper : ..? Molly, kamusta
Molly : dito ka ba tumatambay araw-araw?
Christoper : minsan lang ah! … okey araw-araw … saka gabi-gabi
Molly : kaibigan ko, si Shiela
Shiela : hello
Christoper : uy, kamusta
Shiela : alam mo bang fan nyo ko? Salamat sa inyo, bigla yatang nagbago sistema ng paggawa ng mga piniprisintang mga video sa Auditorium
Christoper : ..?
Shiela : nung napanood ng lahat kasi yung cancer awareness video ninyo, na-inspired na yata yung iba na makagawa ng katulad nun, marami nang nag-aabang ngayon sa susunod na mga video projects
Christoper : ang totoo nyan yung isa kong kagrupo nakaisip nung cancer video namin
Molly : kami yung nanalo ngayon, excempted na kami sa midterm exam
Christoper : napanood ko nga yung sa inyo, ang galing … hindi kami nakagawa dahil sa suspension, tapos may twenty hours school counseling attendance pa kaming dapat punuan
Shiela : ba’t sino bang gumawa ng AIDS awareness ninyo?
Christoper : sikretong malupet
Shiela at Molly : (napatawa)
Shiela : yung slogan nyo kase nakaka-hypnotize, hindi na yata maaalis sa utak ko yun habang buhay
Christoper : wag magmukhang bakulaw kung hindi, bak-la-ka
Shiela at Molly : (natawa)
Molly : Christoper ang sama mo, ano bang problema mo
Christoper : … (‘ewan ko’ gesture)

(other location)
(inside the Mall … outside the TV store)
Nelson : … (may pinapanood na palabas sa TV sa loob ng store … Bruce Almighty … at saka may hawak na malaking camera)
(not far)
Paul : ..? (noticed Nelson and then approach him)
Nelson : … (still watching)
Paul : Nelson
Nelson : o Paul!
Paul : ginagawa mo dito?
Nelson : pina-repair ko tong camera natin (then nanood ulit)
Paul : maayos na?
Nelson : (still watching, nod yes)
Paul : … (nanood din tapos) napansin mo ba kanina si Mia sa school?
Nelson : … hinde, tignan mo to Paul (tinuro yung palabas sa TV)
Paul : ..?
(showing Bruce Almighty … Jimmy Carey is in the scene of his reporting and a meteor is crashing down in the town)
Nelson’s voice : gusto kong gayahin yan
Paul’s voice : may meteor na bumabagsak sa video natin?
Nelson’s voice : hinde, yung suot na attire ni Jimmy Carey
(normal view)
Paul : (agreeing) maganda ngang propts yan
Nelson : sa tingin ko isabay ko na rin ngayon para makabili ng katulad nun dito … may gagawin ka pa ba, samahan mo ko
Paul : tamang-tama, daan din tayo kay Christoper sa arcade … may sinasalihang tournament daw ngayon yun
Nelson : ..! naiisip mo ba naiisip ko Paul?

(other location)
(inside the arcade)
(Christoper and other participants are watching the tournament)

Christoper : … mali sya, dapat dinistract nya ng solid punch sabay hablot na lang
Jibert : nag-sidestep eh, don nadale ng combo
Christoper : … (‘agreeing’ gestures)
Joey : (may napansin) Christoper, mga kaklase mo, tinatawag ka yata
Christoper : ..? (tumingin) anong ginagawa nila Nelson dito
Organizer : Christoper … Christoper ikaw na, nasaan ka na?
Joey : tawag ka, umupo ka na don sa kabila ikaw na lalaban

(blackscreen)

THINGS ABOUT CHILDREN
PART ONE-A
WITH EXTRA CHALLENGE

(in the arcade tournament)

Nelson : bayolente ba mga anak nyo? Maingay at hindi makontrol? Tulad nila
(showing the participants watching quietly during tournament)
(back to Nelson)
Nelson : (habang naglalakad) sila ba ay bastos, parang walang pinag-aralan at hindi man lang marunong mag-sorry? (may bumangga kay Nelson)
Paul : sorry po (then umalis na)
Nelson : … (medyo nagalit) narinig nyo yon? Sabi nya, umalis ka! Basura ka! … wow, wala na talaga silang galang wow (lakad pa ng konte) … tulad nya (tinuro si Christoper)
(naglalaro si Christoper ng arcade sa background)
Nelson : … siguradong araw-araw yatang nagka-cutting classes para lang makapaglaro ng arcade itong dilingkwenteng batang to … okey pa sana kung addict sa bilyar, o kaya naman sa basketball kung saan may malalalang pustahan at suntukan pang nangyayare lagi, pero arcade? Arcade!? Mga lampa lang naglalaro nito!
(then napansin ni Nelson si Joey na nakatingin sa kanya)
Nelson : anong tinitingin-tingin mo!? Gusto mong suntukan tayo, huh!
Joey : … (napangiti lang tapos nanood ulit ng laro)
Nelson : takot ka naman pala eh (then inayos yung sariling damit) … ang mabuti pa, aalamin ko sa batang naglalarong yan, kung bakit napapariwara ang buhay nya

— end of Chapter 7 —
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter Seven
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Shingeki no Kyojin Chapter 55
» No new Fairy Tail chapter this week.
» The Beginning of the N: Chapter 1
» Look Back To Yesterday The Final Chapter Part Two

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: