student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter Eight

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter Eight   Sun Jan 04, 2009 11:08 pm

Short Film Coming
THE ORIGIN
Chapter 8

(close-up kay Christoper … steady cam till normal view)

Nelson’s voice : hoy ikaw (poking Christoper with the mic) ikaw—
Christoper : … (angrily face to Nelson)
Nelson’s voice : hindi mo ba naiisip na araw-araw nagtratrabaho mga magulang mo para lang maipagpaaral ka sa eskwelahan? Anong masasabi mo don?
Christoper : (concentrated sa arcade) wag kang magulo, quarter finals na to (inusog yung mic)
Nelson’s voice : so inaamin mong wala kang utang na loob at isa kang walang kwentang anak
Christoper : (hindi nakikinig) huh? … oo tabe (usog sa mic)
Nelson : … (pinagpipindot mga buttons bigla)
Christoper : hala! Anong ginagawa mo!?
(pinakitaan ni Nelson si Christoper ng one hundred pesos bigla)
Christoper : (kinuha yung pera) ano ulit tanong mo? (laro ulit)
Nelson’s voice : kung nag-aaral ka bang mabute?
Christoper : (habang naglalaro) oo naman, puyat nga ko lagi gabi-gabi sa …
(pinalo bigla ng pamalong kahoy sa ulo si Christoper … bale)
(‘crash!’)
Nelson’s voice : sinungaleng!
Christoper : aray pusa … saan galing yan?
(cut)
Christoper : … (seriously playing arcade again)
Nelson’s voice : teka muna (ginagamitan si Christoper ng parang metal detector)
Christoper : ano yan
Nelson’s voice : virgin detector
(then tumutunog nang malakas)
Christoper : eh ba’t umingay yan?
Nelson’s voice : maingay lang to kapag … virgin ka pa ba?
Christoper : hindi na ah!
(pinukpok ni Nelson ulit ng pamalong kahoy si Christoper)
(‘crash!’)
Christoper : aray! (galit) hindi na ko virgin!!!
(pinukpok ni Paul sa likuran ni Christoper sya ng pamalong kahoy)
(‘crash!’)
Christoper : ay pu-cha! … (tumingin sa likod … nakitang umaalis si Paul) shet ka Paul nakikisawsaw ka pa!
Paul’s voice : virgin pa yan
(cut)
(showing steady cam pa rin, walang tao sa upuan tapos umupo ulit si Christoper doon)
Christoper : … (naglaro ulit)
Nelson’s voice : so, mahilig ka palang maglaro ng versus
Christoper : (nodding yes) magaling ako dito, sa Tekken Tag
Nelson’s voice : talaga? Kung gusto mo, may Tekken Tag ako sa kwarto ng apartment ko, versus tayo
Christoper : (awkward face) parang, ayokong, mag-versus tayo
Nelson’s voice : sinungaleng!
Christoper : (‘ilag’ gesture bigla pero hindi umalis sa upuan)
Nelson’s voice : anong ginagawa mo? Wala na, tatlo lang dala namin
Christoper : … wala na ba?
(pinukpok ni Paul sa likuran ni Christoper ulit sya ng pamalong kahoy)
(‘crash!’)
Christoper : ay pucha
(pukpok din si Nelson)
(‘crash!’)
(pukpok ulit si Paul)
(‘crash!’)
Christoper : … (‘covering’ gesture)
(sunud-sunod na)
(‘crash!)
(‘crash!)
(‘crash!)

(cut)
(si Paul naman yung pinupukpok nang pinupukpok ng pamalong kahoy)
Paul : … (pinupukpok habang naglalaro)
Christoper’s voice : … Paul ipanalo mo (pinukpok si Paul)
(‘crash!)
Paul : o sige sige
(‘crash!)
(‘crash!)
(‘crash!)
Paul : … (pinigilan si Christoper , inagaw yung kahoy tapos binato pabalik, then naglaro ulit)
(pukpok ulit si Nelson kay Paul)
(‘crash!)

(cut)
Nelson : … (hindi pinupukpok habang naglalaro) hindi ako marunong nito, pano ba to?
Christoper’s voice : sige lang, mercy round naman yan
Nelson : ano yon
Christoper’s voice : (biglang sigaw) sabihin mo! Gusto mo ba lalake kaysa sa seksing babae!
Nelson : (habang naglalaro) Sir, lalake po Sir!
Christoper’s voice : sinungaleng! (pinukpok si Nelson)
(‘crash!)
Christoper’s voice : pukpukin yan!
(‘crash!)
Christoper’s voice : maging straight ka!
(‘crash!)
Paul’s voice : maging straight ka!
(‘crash!)
Christoper’s voice : maging straight ka!
(‘crash!)
Paul’s voice : maging

(cut)
Christoper : (nakaupo lang) … ano daw?
Joey’s voice : hindi daw counted yung kaninang panalo mo
Christoper : walang problema, eh di tatalunin na lang ulit
Paul’s voice : madugas ka kase! Sinungaleng! (pukpok ulit ni Paul)
(‘crash!’)
Nelson’s voice : … wala na Paul?
Paul’s voice : Tupe, takbo!
Christoper : huh? Hala! (tapos may nakita, umalis bigla sa upuan)
(pati yung mga nakikitang mga tao, nagsitabi lahat)
(may tunay na Lion na dumaan sa tapat ng camera)

(normal view)

Nelson : Christoper, hawakan mo na
Christoper : teka
(nasa tabi lang yung mga tao)
Christoper : (kausap yung organizer ng laro) hahawakan ko lang to muna
Paul : … (nakatingin kay Christoper)
Christoper : (carefully going to touch the lion) kahit buntot lang di ba?
Nelson : no way, ang usapan katawan at ulo
Paul : o kaya nung pangil
Christopetr : (awkward face) … okey (carefully touch the lion’s behind)
Lion : prrr
(it was distracted also by the lion tamer nearby)
Christoper : (nahawakan na) yun? Pwede na ba yun?
Nelson : … (tingin kay Paul)
Paul : (‘agreeing’ gesture)
Nelson : isa pa, pero hindi na pwede sa rear part
(then big logo of, ‘1out of 2’ is blinking on screen)
Christoper : san ko hahawakan?
Nelson : head part
Paul : sa pangil nga, hawakan mo sa pangil
Christoper : mukha mo pangit … (then carefully going to touch the head of the lion)
Lion : RARRR!!!
Christoper : (hindi tumitingin) hahh— (nahawakan na) yon, yon (layo bigla)
(then big logo on screen, ‘TASK COMPLETED’ is blinking on screen)
Nelson : okey na, (clap) galeng
Paul : palakpakan natin (then clap)
Every People : (clapping also)
Christoper : thank you thank you
(fading to blackscreen)
(end of film)

(inside the arcade tournament)
(everything’s normal now)
(Nelson and Jibert looking at the camera, on what they had recorded)
Christoper : (approach them) ano? nakuha?
Nelson : huh? … oo, mukhang nakuha naman lahat ng kaibigan mo
Christoper : (may napansin) Jibert, ikaw na! tapos na sila don
Jibert : ako na? (then umalis na)
Paul : balita ko, isang laban na lang na ipanalo mo, kasali ka na sa ground finals
Christoper : (nod yes) puro tsamba
Paul : (napangite) humble—
(tapos nanood ulit sila ng laro)
Nelson : … okey na to
Christoper : okey na?
Nelson : uwi na rin ako, gutom na ko
Paul : sabay na ko sayo
Nelson : sige Christoper
(umaalis na sila)
Christoper : ingat, ingat kayo
Nelson’s voice : sabihin mo kay Jibert salamat
Christoper : oo

(other location)
(campus corridor)

Christoper : … (taking a look on his test paper)
Nelson : ..? (napansin) tignan ko nga yan
(enter Paul)
Paul : … (tumabi kay Ann)
Nelson : ano!? Three lang ang score mo sa Math!? Konting aral naman Christoper
Ann : … (tumingin din)
Christoper : mas proud nga ako dyan eh (may kinuha sa bag)
Paul : nakita mo kanina si Mia?
Ann : (nodding no)
Christoper : mas mataas yan kaysa sa Filipino subject ko (binigay yung test paper)
Nel;son : two!? Score mo sa Filipino subject two lang!
Ann : daig pa kita, ako four … ay hinde five pala, may bonus na isa
Paul : … (tahimik lang , mukhang may iniisip)
Christoper : sa number twenty-one?
Ann : oo sa twenty-one nga
Christoper : may bonus din ako dun
Nelson : isa lang tinama mo dito!? (shaking the paper)
Ann : ang alam ko yung pangalan ng teacher may check din eh … o eto o (tinuro)
Nelson : wala kang tinama!? Filipino subject wala kang tama!?
Ann : mahirap ang Filipino subject, essay writing
Christoper : perfect na tao yan si Nelson eh
(temporary subtitle)

DAYS OF MIA … 28

Paul : … (tahimik pa rin, nakatingin sa malayo)

— end of Chapter 8 —
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter Eight
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Shingeki no Kyojin Chapter 55
» No new Fairy Tail chapter this week.
» The Beginning of the N: Chapter 1
» Look Back To Yesterday The Final Chapter Part Two

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: