student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter Twenty

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter Twenty   Tue Jan 06, 2009 11:38 pm

Short Film Coming
THE ORIGIN
Chapter 20

Christoper : … (naghahalukay pa rin sa basurahan)
Shiela : Christoper! Christoper!
Christoper : ..?
Shiela : si Molly! si Molly! ang kaibigan nating si Molly! kailangan nya ng tulong natin ngayon! (kalmante ulit) well, sa tingin ko naman ayaw nyang magpatulong pero (panic ulit) dama ko! nafi-feel kong kailangan nya ng tulong natin! (shaking the arm of Christoper)
Christoper : (awkward face)
Shiela : papano kung kumalat sa internet yung video nyang yun? nakakahiya! ipapahiya sya ni Tristan! (kalmante ulit) sex video? nakaka-turn on di ba? (panic ulit) pero mali pa rin yun! maling-mali yun! lolokohin lang sya ni Tristan! please! tulungan mo ko please! (shaking the arm of Christoper) tulungan mo ko!!! tulungan mo ko!!! tulungan …
(sinampal ni Christoper)
Shiela : aray … salamat, kailangan ko talaga yon
Christoper : … (tinaas ulit yung kamay para sumampal ulit)
Shiela : tama na!!! (pinigilan bigla yung kamay ni Christoper) okey na ko, saka galing sa basurahan kamay mo … oo, samahan mo na lang siguro ako, please---?
Christoper : teka, nahulog eyeglasses ko sa basurahan (naghahalukay ulit)
Shiela : … (nakita yung eyeglasses sa labas ng basurahan) eto ba yun?
Christoper : san mo nakita? (sinuot na)
Shiela : dyan lang tara na
Christoper : saan tayo pupunta?
Shiela : basta (hinila si Christoper)

(other location)
(bintana ng likod-bahay ni Tristan)

Christoper : (sumisilip sa labas ng bintana) … mukhang walang tao sa loob ng bahay
Shiela : nandyan sila sigurado ako, ayan kotse ni Tristan o
Christoper : … (binubuksan na yung bintana pero hindi mabuksan)
Shiela : (natatakot habang tumitingin sa paligid) Christoper (tinulak si Christoper)
Christoper : wag mo kong itulak (binubuksan yung bintana pa rin)
Shiela : Christoper ano ba, bawal to (tulak ulit)
Christoper : ililigtas natin si Molly kaya okey lang yun (ayaw mabuksan nung bintana pero binubuksan pa rin)
Shiela : (tulak ulit)
Christoper : babatukan na kita eh! (tapos binubuksan ulit)
Shiela : (natatakot) eh kasi naman (tulak ulit)
Christoper : wag mo kong itulak! (bumukas na yung bintana)
Shiela : ayan na! mauna ka nang pumasok (tinulak si Christoper tapos tulak ulit)
Christoper : wag mo kong itulak mahirap bang intindihin yun!
Shiela : … (then tulak ulit)
Christoper : (sigaw) wag mo kong itulak!!!
Shiela : (sigaw) wag kang maingay!!!
Christoper : … (naghahanap gesture … napansin yung upuan tapos ibinuhat)
Shiela : ano ba Christoper sorry na (pinipigilan si Christoper)
Christoper : (itinataas yung upuan) ipagpapalit ko lang
Shiela : sorry na Christoper sorry (pinipigilan pa rin si Christoper)
Christoper : (hindi maibaba yung upuan) ipagpapalit ko lang yung upuan! (ipinagpalit nga yung upuan sa katabing upuan lang) … ayan, tapos na … (tapos nagbuhat ulit ng isa pang upuan, itinaas)
Shiela : Christoper (pinipigilan ulit si Christoper)

(other location)
(Tristan’s bedroom)
(may video cam sa tapat ng kama)

Tristan : (after pushing the record button) okey na, naka-record na (tapos pumunta na sa kama, naghubad ng t-shirt) kapag nagawa to, siguradong mananalo ulit kami
Molly : sigurado ka kailangan to sa video project mo?
Tristan : oo naman (kinuha yung folder) nasa script lahat-lahat to
Molly : patingin?
Tristan : wag na (itinapon sa kabila) masyadong mahaba pati … ano? tara na (pinapalo yung kama sa tabi nya)
Molly : … (nag-aalangan pa rin sabay upo sa tabi ni Tristan)
(then they kiss)
Molly : teka
Tristan : ..?
Molly : kung gagawin natin to, mapapanood ng mga kaklase mo yung …
Tristan : wag kang mag-alala, ie-edit ko mamaya … pipiliin ko lang yung mga dapat ipakita, kung gusto mo yung hindi ka pa makikilala
(showing Tristan doing cross finger sa likod nya)
Molly : …
(then they kiss again sabay higa na)

(other location)
(Tristan’s kitchen)

Shiela : (galit) ano tapos ka na?
(may dumaang pusa)
Christoper : … (nasa loob ng ref, kumakain)
Shiela : Christoper ano ba!? hindi mo ba naiintindihan ang matinding sitwasyon, kailangan na ng tulong ng kaibigan ko! … huy! ano ba!
Christoper : (no response pa rin, nasa loob ng ref, kumakain)
Shiela : … (tumitingin sa itaas ng pasilyo tapos tingin ulit kay Christoper) bahala ka na, iwan na kita! (paglakad, she stabbed her foot at the chair) aray!!! pucha! … (tinakpan bigla yung bibig, natandaang hindi dapat maingay) … (silent voice) ow! ow! (nagkakandirit habang hawak ang isang paa … tapos isinandal ang kamay sa may tabi ng malaking vase sa lamesa)
(‘crash!’)
(nahulog yung malaking vase … basag!)
Christoper : ..! (nagulat, pinakitang may kagat-kagat pang pagkain sa bibig)

(other location)
(Tristan’s bedroom)
(Tristan and Molly still kissing pero naka-boxers na lang si Tristan at naka-semi nude na lang si Molly)

Molly : teka ano yon
Tristan : wala, pusa lang namin yun (then continued kissing Molly)
Molly : … Tristan … Tristan
Tristan : ano
Molly : sa tingin ko, tama si Shiela … hindi ko dapat gawin to
Tristan : (smiled) you’re kidding, nagbibiro ka di ba
Molly : … (babangon na sana)
Tristan : teka! (pinigilan si Molly tapos hinalikan ulit)
Molly : Tristan ano ba! ayoko na sabi!
Tristan : (medyo galit) wag mo na namang sabihing bibitinin mo ulit ako (and then forcefully kissing Molly)
Molly : (nagalit, itinulak si Tristan at saka sinampal)
Tristan : ..! (he just smiled) ha … mas gusto ko yung lumalaban rin, kaya gustung-gusto kita eh (hinawakan yung dalawang kamay ni Molly, dinadaganan ‘rape’ gesture and continued kissing Molly)
Molly : Tristan, parang awa mo na, (umiiyak na) wag mong gawin sa kin to (lumuluha)
(bumukas yung pinto bigla)
Shiela : Molly!
Molly : Shiela! tulungan mo ko!
Tristan : panong! pano kayong nakapasok dito!?
Shiela : Christoper! tulungan mo kaibigan ko!
Christoper : … (nakita yung camera) die you monster! (ibinato)
Tristan : (umilag)
(tumama yung camera kay Molly sa ulo)
Molly : (nawalan ng malay)
Christoper and Shiela : (nagulat)
Tristan : camera ko! … kayo! umalis kayo sa bahay ko kung hinde, tatawag ako ng pulis!
Shiela : sige! gawin mo! para masabi mo ring gusto mong reypin kaibigan ko!
Tristan : ah ganun ha, ako na lang siguro ang magliligpit sa inyo (tumayo sa kama habang pinapatunog mga daliri)
Christoper : oh yeah! (tapos itinulak si Shiela by kicking Shiela’s butt papunta sa harap ni Tristan) sige kaya mo yan
Shiela : teka, bakit ako?
Tristan : (tinuhod sa tiyan si Shiela at saka sinuntok sa mukha)
Shiela : (bagsak, nawalan ng malay)
Christoper : ..!
Tristan : ngayon, ikaw na lang
Christoper : teka … bago mo ko gulpihin, baka gusto mo munang tumingin sa likuran mo
Tristan : yeah right … lumang-luma na yan
Christoper : … (tumingin sa likuran ni Tristan at saka tinakpan mga mata ng sariling braso)
Tristan : ..? (nagtaka, sabay tingin sa likuran) ..! (nakitang nakatayo si Molly sa kama na may hawak na bat)
Molly : (nakasuot na ng t-shirt ni Tristan … hinataw yung ulo ni Tristan)
(blackout)

Christoper : … (pagtanggal sa nakatakip na mata, nakitang tinutulungan ni Molly si Shiela)
Molly : Shiela ano, okey ka lang?
Shiela : huh? nasan ako?
Molly : (smiled) salamat naman
Shiela : … pasensya ka na Molly, masyadong pakielamera ako ah … inaalala lang naman kita eh
Molly : (lumuha, ngumite then nod no … tapos niyakap si Shiela)
(then they smiled to each other)
Shiela : … (lumuha din pero ngumingite) ano ba, lumuluha tayong dalawa baket (nagpupunas ng sariling luha)
(they laugh)
Molly : nakita ko, nilabanan mo si Tristan para sa kin, ang tapang mo pala
Shiela : huh!? anong pinagsasasabi mo? itinulak lang ako nung gagong yun! nasan na yun?
Christoper : … (nakatingin sa isang baseball na bola) no way! baseball na may pirma ni Michael Jordan! (hinawakan) … pero kay Tristan to … na ibinigay nya sa akin (isinilid sa bag nya)
(nakatayo si Molly sa harapan na nya)
Molly : … (smiling) maraming salamat (niyakap si Christoper)
Christoper : ..? (nagtaka tapos tingin sa nakaupong Shiela sa sahig)
Shiela : … (ewan ko gesture)
Christoper : (niyakap na rin si Molly)
Molly : (habang nakayakap kay Christoper) … alam mo bang nagkahiwalay na sila Paul at si Mia?
Christoper : (awkward face)
Shiela : (habang kinukuha yung tape sa camera) nabalitaan ko nga rin yan … sayang, ang ganda pa naman ng pagsasama nila

--- end of Chapter 20 ---
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter Twenty
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Hopeless Chapter twenty-nine
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Twenty Four (24) 12th October 2013 Episode 4 Watch Online
» Twenty Four (24) Promo 25th & 26th October 2013 Watch Online
» Twenty Four (24) 9th November 2013 Episode 12 Watch Online

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: