student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter Twenty Six

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter Twenty Six   Sun Jan 25, 2009 3:24 am

Short Film Coming
THE ORIGIN
Chapter Twenty Six

Christoper : ako kapag namatay ako, gusto kong malibing kasama yung aso ng kapitbahay namin, para lang may mabwisit ako

(Nelson opening the gate)
Woman’s voice : hoy Nelson! bakit mo hinalikan anak kong si Stella? ha!?
Nelson : wala akong alam sa sinasabi mo, ako hinalikan ng anak mo (tapos pumunta na ng bahay)
Woman’s voice : eh ba’t ayaw mo ba kasing ligawan anak ko! maganda naman! sexy naman, may pinag-aralan naman! bakit ba!? hoy Nelson!
Paul and Christoper : (tumatawa)
Ann : marami rin akong kakilala na mga babae sa school naglalaway din kay Nelson sa tuwing nakikita
Christoper : alam mo kung anong imbinsyon ang pinakagusto ko?
Ann : imbinsyon naman to
Christoper : regalo pare
Ann : regalo? imbinsyon ba yon
Christoper : lalo na kung ang laman picture frame o kaya figurin, tuwang-tuwa ako … tuwang-tuwa ako, haha … sa sobrang tuwa ko ginagawa kong pinong powder yung mga yun tapos hinahalo ko sa mga softdrinks ng mga nagregalo sa kin
Ann : ano ba Christoper (natatawa)
Paul : Ann tanungin mo si Tupe kung gumagawa ba sya ng charity
Ann : huh? o sige, hoy Tupe, ano namang charity ginagawa mo
Christoper : … namimigay ako ng maraming pera sa mga,
prostitutes
Paul : (tumawa)
Christoper : bakit? charity yon
Paul : (tumatawa)
Ann : … ang tahimik naman pala masyado netong si Trevor
Paul : kamusta ka nga pala dyan pare
Trevor : (napangite habang kumakain ng pulutan)
Ann : mukhang nangangagat lang mga yan pero mababait ang mga yan
Trevor : sige lang, natutuwa naman ako sa mga kwento nyo
Christoper : naalala ko nga pala, sinuntok ako ni Trevor sa mukha nung isang araw
Ann : ano na namang kasing ginawa mo?
Christoper : kumakain lang kami ni Nelson tapos dumating si Trevor, pagkatapos namulatan ko na lang iniwan na nila ako … duguan
Trevor : sorry nga pala, ganun lang talaga ako magselos … hindi pa kasi kita kilala non
Paul : sa susunod kase, wag kang magpapahuling nakikipaghalikan kay Nelson
Christoper : mukha mo nakikipaghalikan kay Nelson

(Nelson comes)
Nelson : (umupo na) ano nang nangyayare?
Trevor : okey na Mama mo?
Nelson : natutulog na
Ann : ba’t mo naman hinayaang suntukin ni Trevor si Tupe, eh alam mo namang lalampa-lampa to
Christoper : ey!
Nelson : nahuli kasi kami ni Christoper, naghahalikan lips to lips
Christoper : aba’t, sinungaling mga tao dito
Ann : sa susunod kase, wag kang magpapahuling nakikipaghalikan lips to lips kay Nelson, yan nasuntok ka tuloy
Christoper : nagtampo nga ako nun eh, hindi na ko tinawagan ni Nelson pagkatapos
Nelson : (natawa)
Ann : wala na bang next time
Paul : ang lakas sigurong sumuntok tong si Trevor, nawalan ng malay agad si Tupe … ako hindi ko pa nagagawa yun eh
Christoper : oo nga, yun na yata pinakamalakas na suntok na natanggap ko
Nelson : nilakasan talaga ni Trevor yung suntok nya, para daw malaman nya kung tatalbog ka sa lupa … hindi pala
Trevor : (napangite)
Christoper : ay may joke ako
Nelson : o sige
Christoper : may bilanggo na nakulong ng 15 years sa preso ang tumakas … tapos pumasok sa isang bahay para mangnakaw ng baril at pera … sa loob non, meron syang nakitang young couple sa kama … inutusan nya yung lalake na itali nya sarili nya sa upuan … tapos habang itinatali yung babae naman sa kama, hinalikan to sa leeg pagkatapos tumayo, nagpunta ng banyo … habang nandoon yung bilanggo, binulungan nung lalake yung asawa, “makinig ka, takas na convict yata to … tignan mo na lang yung damit, mukha yatang nakulong sa preso nang napakatagal tapos hindi pa nakakakita ng babae sa maraming taon … nakita ko yung paghalik nya sa leeg mo, kung gusto nya ng sex, pagbigyan mo na agad wag ka nang pumalag, gawin mo na lang kung ano ang gusto nya kahit na nakakasuka syang tignan at amuyin … mukhang delikado yata tong convict nato baka pag nagalit patayin tayo … Be strong honey, I love you” … tapos ang sabi naman nung babae, “hindi nya ko hinahalikan sa leeg, binubulong nya sa tenga ko na bading daw sya, sabi pa nga nya cute ka daw tapos tinanong kung nasaan yung Vaseline sabi ko nasa banyo kunin mo … Be strong honey, I love you too”
Everybody : (laughing)
Ann : ay may joke din ako
Paul : patay na, pamatay nato
Nelson : o sige pakinggan natin ang bata
Christoper : siguraduhin mo namang, matatawa ako, kung hinde
Ann : tumawa ka naman Christoper
Christoper : o sige kapag naawa ako … teka lang, tatawagan ko muna yung sniper ko, nang makapaghanda na (kinuha cell phone)
Ann : wala munang cell phone, itabi mo muna yan makinig ka
Christoper : …
Ann : e di sabi nung daga sa pusa …
Christoper : nagsasalita yung daga? may naimbento na bang ganun?
Ann : wala, totoong daga to
Christoper : okey … mabuti na lang (nangingite)
Ann : e di sabi nung daga sa pusa, bakit mo ba kami laging kinakain? Ang sabi nung pusa, e di para tumaba
Everybody : … (tahimik lang, nakatingin lang kay Ann)
Ann : … ang sabi nung pusa, e di para tumaba
Christoper : oo tapos ano pang kasunod nun
Ann : wala na … get it? ang sabi nung pusa, e di para tumaba (tawa)
Christoper : Paul … ang baril ko
Paul : wag pare
Christoper : ang baril ko Paul, kunin mo
Paul : wag Tupe kaawaan mo yan
Ann : get it? para daw tumaba … e wala namang tumataba na pusa di ba?
Paul : meron
Ann : wala … meron ba Nelson?
Nelson : merong matabang pusa
Trevor : kapatid kong bunso may alagang pusa, bloated
Nelson : pusa nila Trevor mataba, nakita ko
Ann : meron ba
Christoper : (umiiyak) kailangang barilin ko si Ann Paul para mailigtas ko ang buong mundo sa mga corny nyang jokes naiintindihan mo ba?
Paul : tahan na, hindi naman sinasadya
Christoper : (umiiyak)
Ann : tumigil ka na nga Christoper ang O.A. neto … oo nga pala Paul, ano na nga pala balita kay Mia?
Nelson : oo nga, namatay ba si Mia?
Paul : … si ano nga pala, si Christoper … may sample ng video tape na yon
Nelson : anong video tape?
Christoper : (nagpunas ng luha then) eto … (kinukuha sa bag)
Ann : yung video tape na kumukolekta ng memorya!?
Christoper : eto (nilapag sa lamesa yung tape)
Nelson : video na ano!?
Trevor : video tape na kumukolekta ng memorya, delikado daw yan sa pagkakarinig ko
Ann : Trevor, alam mo rin yan?
Trevor : (nodding yes) sikat na kwento sa school din namin yan … nagkakaroon lang ng title depende sa manonood nito
Nelson : sige nga subukan natin (inexamine yung tape) … walang title to ah
Trevor : tsk (nodding no, kinuha yung tape sabay lapag sa lamesa ulit)
Nelson : easy ka lang, hindi totoo tong mga to (kinuha ulit yung tape)
Paul : karaniwang naaapektuhan daw nyan, yung mga taong hindi naniniwala
Nelson : (natawa)
Christoper : balita ko, walang nakakatakas sa video tape na yan … delikado lalo na sa mga tulad natin, nakakatakot talaga
Ann : (inom tapos) … sige, uwi na ko (then tumayo umalis na)

(other location)
(Nelson’s house)

Ann : (nakatali ng lubid)
Nelson : (inserting the tape) … eto na (tumabi na sa kanila … then push play sa remote)

(showing the TV having static channel and then blackscreen with bloody print)

SHORT FILM COMING

--- end of Chapter Twenty Six ---
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter Twenty Six
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Hopeless Chapter twenty-nine
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Twenty Four (24) 12th October 2013 Episode 4 Watch Online
» Twenty Four (24) Promo 25th & 26th October 2013 Watch Online
» Twenty Four (24) 9th November 2013 Episode 12 Watch Online

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: