student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter Thirteen

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter Thirteen   Sun Jan 04, 2009 11:16 pm

Short Film Coming
THE ORIGIN
Chapter Thirteen

(campus)
(Ann and Christoper walking)

Ann : … mag-shift kaya ako ng course
Christoper : ba’t ano bang gusto mong kunin?
Ann : gusto ko sanang maging astronaut … may course ba nun?
Christoper : astrology yata kailangan don
Ann : eh ano ba yung cosmetology? Di ba sa rootword ng cosmonaut yun?
Christoper : malay ko … ako, pagka-graduate ko, mag-aapply ako ng presidente ng kumpanya
Ann : pwede, magtayo ka ng sariling kumpanya, ikaw ang …
Christoper : hinde, yung mag-aapply … halimbawa sa Nokia … o kaya sa Porsche
(Warren approaches)
Warren : Tupe, Final Fantasy mo (binigay yung PS2 na bala)
Christoper : ay! Nakalimutan ko, bukas, bukas talaga
Warren : Guilty Gear saka Shadow Hearts
Christoper : o sige … teka (nilagay sa loob yung bala) … may sinuli sa kin si Johanson, eto na muna sayo (may kinuha sa bag tapos napansin si Ann)
Ann : … (smiling big while staring at Warren)
Christoper : ay … kaklase ko, kaibigan ko, kaibigan ko, kaklase ko
Warren : hi
Ann : … (smiling big, no response)
Warren : Warren, kamusta (offer hand)
Ann : Ann (shakehands then laugh loudly)
Christoper : (binigay yung PS2 na bala) … ingatan mo yan
Warren : oo ba … yung dalawa pang bala bukas, kukunin ko pa rin … sige … Ann sige (then leave)
Ann : … (still smiling big)
Christoper : huy! (siniko nang mahina si Ann)
Ann : (inamoy yung kamay) hmm— ang bango … hindi na ko maliligo, habang— buhay
Christoper : (tinitignan loob ng CD case) walang laman to ah (tapos tinignan yung cover ng case) … hindi Final Fantasy pala, nasan na yun?
Ann : wag kang maingay … imaginary boyfriend ko yun
Christoper : huh!? Akala ko ba ako?
Ann : pangatlo ka … pangalawa si Elmo
Christoper : (natawa) … si Elmo (then imporsination of Elmo sa kamay nya) hahahahaha (ginaya tawa ni Elmo)
Ann : mali naman to
Christoper : eh pano ba? (then snakebite sa mukha ni Ann) hiss!
Ann : ano ba

(other location)
(night)
(Molly’s room)

Molly : … (typing on her laptop) (nakasuot ng eyeglasses sa ngayon)
( showing a digital clock … 10:58 PM )
Molly : … (still typing then napatigil, napansin yung teddy bear with TALK TO ME print … sinarado na yung laptop, kinuha yung teddy bear at humiga na sa kama)
(looking at the teddy bear)
Molly : … (nilagay na sa tabi sa pagtulog nya tapos tinanggal na yung eyeglasses)
(near her eyeglasses are more stuff toys na may mga print din na TALK TO ME bawat isa)
(then pinatay na ilaw)

(other location)
(campus corridor)
(class dismissal of students, one of them is Nelson going out of the room)

Ann : (sumulpot bigla) Nelson!
Nelson : ..?
Ann : samahan mo muna ako
Nelson : hindi pwede, marami pa kong gagawin
Ann : hindi basta, sandali lang to … doon lang tayo sa room ni Christoper dali (hinila si Nelson)
Nelson : teka

(other location)
(Ann and Nelson, waiting for Christoper to come out one of the dismissing students from the room)

Ann : … ayan na si Christoper tara (hila ulit kay Nelson)
Christoper : … (paalis na sana)
(humarang si Ann sa harap ni Christoper)
Ann : (faking tone) ano yun Nelson? Hindi ako maganda? (then fake na iyak)
Nelson : … (awkward face)
Ann : ba’t mo naman sinabi yon? Masakit para sa akin yon kala mo (fake na iyak ulit)
Nelson : pero wala naman akong sinasabing …
Ann : (sigaw bigla) ayoko nang marinig mga dahilan mo! Umalis ka na!
Nelson : ..!
Ann : ayaw na kitang makita ngayon, kahapon, at tatlong taon bago ka ipinanganak! Umalis ka na! alis na! sipain pa kita eh
Nelson : … (umalis na lang)
Ann : … (galit pa rin tignan) wag ka ring magpapakita bukas! … itsura nito (then flip hair) … o Christoper, nandyan ka pala! (then nalungkot)
Christoper : inaway ka ba ni Nelson
Ann : oo nga eh, tulad pa rin nung dati, ang sama-sama nya talaga
Christoper : si Nelson?
Ann : pwede bang makisabay muna sayo? Baka kasi inaabangan ako ni Nelson sa hallway, bugbugin ako
Christoper : … (awkward face) o sige
Ann : tara na! (happy agad)
(they now walk)
Ann : ngayon ulit kayo magkikita ni Warren di ba?
Christoper : … (awkward face) oo
Ann : yes! buti naman (then nag-pocket powder)
Christoper : … ang alam ko, sabi ni Mia dati, may boyfriend ka na
Ann : meron nga (habang naglalagay ng lip balm)
Christoper : …

(other location)
(si Warren naghihintay habang kumakain ng potato chips)

Ann : teka! … perfect na ba ako?
Warren : Tupe! (from afar)
Christoper : … (nod once to Warren)
Ann : ano ba—, si Warren parating … (hinga ng malalim) be cool, act, natural (then smile to the max)
Christoper : ..?
(Warren approaches)
Warren : ano na pare?
Christoper : dala ko teka (hinanap sa bag)
Warren : Tales of Legendaia ang lupet … matatapos ko na, ipahiram ko agad sayo (kumakain ng potato chips)
Christoper : wala pa ko non ah … oo nga pala, natatandaan mo si Ann?
Warren : oo naman … potato chips gusto mo?
(close-up) Ann : … (nodding yes while smiling big)
Warren : sige kuha ka lang
(close-up) Ann : … (nodding yes while smiling big)
Warren : … (waited and then look at Christoper)
Christoper : … (nakatingin lang kay Ann tapos) huy! (tulak nang mahina kay Ann) kung gusto mo daw ng potato chips!
Ann : … (nodding yes while smiling big)
Christoper : … (kumuha ng isang potato chip)
(close-up) Ann : … (then showing hand of Christoper ipinapasok yung potato chip sa bibig ni Ann pero no response and then marami namang potato chips at ipanamudmod paikot sa bibig ni Ann but Ann is like not caring, she’s just smiling staring at Warren … nahuhulog lang yung mga potato chips)
Warren : …
Christoper : huy! … pagpasensyahan mo nato … huy!
(close-up) Ann : … (nodding yes while smiling big)
Warren : (kinuha yung mga bala kay Christoper) balik ko na lang mga to sayo … sige Ann
Ann : … (nodding yes while smiling big … still looking at Warren)
Christoper : … (nilawayan yung daliri tapos ipinasok sa tenga ni Ann)
Ann : ano yun! (napaiwas tapos pinunasan yung tenga) ikaw ang bastos mo
Christoper : kung ako lang ang boyfriend mo, may upak ka na
Ann : (angry, still wiping ear) ano bang problema mo!?
Christoper : yung kanina, kay Warren
Ann : (hinga ng malalim) Warren … gwapo nya talaga, sana ganun din boyfriend ko, kamukha rin nya (hinga ng malalim ulit)
Christoper : ba’t ano bang itsura ng boyfriend mo?
Ann : … ayun, may kausap
(then showing Dylan that is so fat talking to his classmates)
Christoper : o-key (‘agreeing’ gestures, nag-iisip while Ann is fantasizing Warren again in the background)

(fading to blackcscreen)

My Friends’ Lives Stories
THINGS ABOUT CHILDREN
PART TWO

(another blackscreen)

NELSON

(nasa bilyaran si Nelson … nagbibilyar pero dinaya ng kalaban)
(sinuntok bigla ni Nelson yon and then pumalag yung iba ring mga naglalaro, nakipagsuntukan din sa mga yon)

(other location)
(sa kalye)

Christoper’s voice as Narrator : hindi ko masabe kung anong ugaling meron si Nelson … madalas, masasabi mo namang straight na lalake itong batang to

(showing Nelson in black leather jacket at nakikipagsuntukan naman ngayon sa mga lasing na sunog-baga na nakapalibot sa kanya … maya-maya nagsipagtakbuhan na mga kalaban … after the fight, tinaob ni Nelson lahat ng lamesang may mga alak and kicking some of it)

(other location)
(Nelson riding a motorbike on a road)
(after the scene, tumigil muna sa tabi, bumaba sa motorsiklo, nagsigarilyo)

Christoper’s voice as Narrator : lahat nga ng tao mga takot na sa kanya … wag kang magkakamaling tignan mga mata nya, kundi tepok ka

Nelson : … (pagkasindi ng sigarilyo napansin yung aso, nakatingin sa kanya)
(close-up … nakatitig yung aso kay Nelson … tapos pinakita paa ni Nelson, talagang sinipa nang malakas yung aso)
Aso : AYIYI!

— end of Chapter Thirteen —
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter Thirteen
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Shingeki no Kyojin Chapter 55
» No new Fairy Tail chapter this week.
» The Beginning of the N: Chapter 1
» Look Back To Yesterday The Final Chapter Part Two

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: