Kwela Nobela
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.


student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeLatest imagesSearchRegisterLog in

 

 Chapter 32

Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin



Posts : 445
Join date : 2009-01-04

Chapter 32 Empty
PostSubject: Chapter 32   Chapter 32 Icon_minitimeSun Oct 25, 2009 4:05 am

Short Film Coming
Negative One
Chapter 32

(blackscreen)

TERRORISM AWARENESS
PART 2

(Christoper and Anton as detectives)

Anton’s voice : kung saan may nag-aabang na panganib
Christoper’s voice : kung saan ang panganib ay nag-aabang
Anton’s voice : kung saan merong terorista na ang libangan ay magtanim ng bomba
Christoper’s voice : kung saan ang bomba ay naglilibang … at nagtatanim ng, terorista?
Anton’s voice : kung saan ang tao ay sumisigaw ng saklolo
Christoper’s voice : kung saan ang saklolo ay sumisigaw ng tao

(Anton jumps to the scene)

Anton : wag mag-alala at may saklolong aalalay
Christoper : (cartwheel) … dahil narito na
Anton : ang gwapong-gwapong si Anton
Christoper : at ang mas gwapong si Christoper … ako yon
Anton at Christoper : at kami ang, Tupe and Anton ANTI-TERRORIST DE—TECTIVES
(big logo on screen)
(tapos nagbatukan sila)
Anton : ako bumatok sayo Tupe
Christoper : ako bumatok sayo Anton
Anton : ako bumatok sayo Tupe
Christoper : ako bumatok sayo Anton
Anton : ako bumatok sayo Tupe
Christoper : ako bumatok …
Anton : teka Detective Tupe (pinigilan) … may terorista akong nakikita two o’clock
Christoper : two o’clock? (tingin sa relos)
Anton : (guiding Christoper’s chin) doon! tara, tayo ay magmadali
Christoper : magmadali tayo tara

(other location)

Ann : tulong! tulong! magnanakaw! (ayaw bitawan yung bag)
Snatcher : akin nato sabe! (pagkahila, nakuha na tapos tumakbo agad)
Ann : ang bag ko!
Anton : anong nangyayari dito!
Christoper : nangyayari dito ay ano
Ann : bakit? sino ba kayo?
Anton : sino kame? ako ang gwapong-gwapong si Anton
Christoper : at ang mas gwapong si Christoper … ako yon
Anton at Christoper : at kami ang, Tupe and Anton, ANTI-TERRORIST DE—TECTIVES
(big logo on screen)
(tapos nagbatukan sila)
Anton : ako bumatok sayo Tupe
Christoper : ako bumatok sayo Anton
Anton : ako bumatok sayo Tupe
Christoper : ako bumatok sayo Anton
Anton : ako bumatok sayo Tupe
Ann : pwede ba wag na kayong magbatukan! walang humahabol sa snatcher na yon
Anton : Detective Tupe tama sya, tara
Christoper : (nod once)

(other location)
(they are running)
Anton : (while running) mamang snatcher, may bomba ba yan?
Snatcher : … huh?
Anton : may bomba ba dyan sa hawak mo?
Snatcher : huh?
(another side of the snatcher)
Christoper : (running also) kung may bomba dyan, dyan sa bag!
Snatcher : huh?
Anton : (hinablot yung snatcher tapos itinapon sa gilid) … kung may bomba sa bag na ninanakaw mo!!!
Snatcher : huh!?
Anton : (nilapitan sa tenga) kung bomba …
Snatcher : huh?
Anton : kung bomba dala …
Snatcher : huh?
Anton : kung …
Snatcher : huh?
Anton : (sinuntok sa mukha) bomba ba dala mo!? sagot!!!
Snatcher : … huh?
Anton : Christoper pakipulot nga yun
Christoper : … (binigyan ng pamalo si Anton)
Anton : ang sabi ko! (pinalo yung snatcher) kung! (pinalo) bomba! (pinalo) ba ang! (pinalo) hawak! (pinalo) hawak! (pinalo) mo!!! (pinalo ng tatlong beses)
Snatcher : … huh?
Anton : (itinapon yung pamalo tapos kinuha yung baril ng snatcher sa bulsa) bingi ka pa, (kasa) ang sabi ko (‘bang!’) kung bomba ang dala mo (‘bang!’)
Snatcher : huh?
Anton : kung bomba dala mo (‘bang!’)
Snatcher : huh?
Anton : kung bomba dala mo (‘bang!’)
Snatcher : huh?
Anton : kung bomba dala mo (‘bang!’)
Snatcher : huh?
Anton : binge ---!!! (‘bang!’ ‘bang!’ ‘bang!’ ‘bang!’ … hanggang sa maubusan ng bala)
Snatcher : … (hindi na nakasagot, patay na)
(enter Ann)
Ann : maraming salamat, akala ko hindi ko na makukuha bag ko
Christoper : ah miss? … bomba ba laman ng bag mo?
Ann : bomba? walang bomba bag ko
Snatcher : huh?
Anton : ..! (nagulat tapos binato yung baril sa snatcher pagkatapos sinipa ng isang beses)

--- end of Chapter 32 ---
Back to top Go down
https://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter 32
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Chapter Two
» Chapter 29
» Chapter 55
» Chapter 63
» Chapter Three

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: