Kwela Nobela
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.


student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeLatest imagesSearchRegisterLog in

 

 Chapter 58

Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin



Posts : 445
Join date : 2009-01-04

Chapter 58 Empty
PostSubject: Chapter 58   Chapter 58 Icon_minitimeThu Mar 11, 2010 8:16 pm

Short Film Coming : Negative One
" Ang Pagbabalik "
Chapter 58

(tapos tinulungan ng gwapong machong guest action star si Mia … nakipagsuntukan sya sa mga sunog-baga)
(hindi na talaga nila nakayanan then tumakbo na yung mga kalaban)
(after the fight)

< Action star > : Miss ayos ka lang? (pinulot yung scepter tapos ibinigay kay Mia)
< Mia > : oo ayos lang ako, maraming salamat … buti na lang dumating ka
< Action star > : (ngiti kay Mia)
< Mia > : (kinilig) ako nga pala si Mia (then handshake)
< Action star > : (sinimulang halikan yung leeg ni Mia)
< Mia > : ..? dito? pero nasa kalye tayo
(tapos hiniga na nung Action star si Mia sa kalye while kissing Mia’s neck)
< Mia > : mali to, mali tong ginagawa natin
< Action star > : (still kissing Mia’s neck)
< Mia > : maling-mali to grabe, maling-mali to ano ba … maliin mo ko sige! maliin mo ko! awoo---! ow ow awoo---
< Action star > : (he’s still kissing Mia’s neck only)

(edit screen)
(Mia is in sexy dress seducing gestures)

< Lady Narrator’s voice > : panget panget panget bakit ako panget panget panget bakit ako panget panget panget … panget panget panget bakit ako panget panget panget bakit ako panget panget panget bakit ako panget … bakit ako panget

(showing now the sun, it’s morning)
(then sliding down the camera angle)
(the Action star and Mia is lying on the ground semi-naked covered only by the cape)

< Mia > : …
< Action star > : (waking up then smiles to Mia) kamusta na
< Mia > : mabute … nag-enjoy talaga ako kagabe
< Action star > : ako rin (smile)
< Mia > : (hahalikan sana sa lips yung lalake)
< Action star > : (tinakpan yung mukha ni Mia tapos hinalikan yung leeg ni Mia)
< Mia > : bakit ba leeg na lang lagi ang hinahalikan mo? ayaw mo sa mukha ko kahit sa pisngi lang
< Action star > : (ngumingite habang hinahalikan leeg ni Mia)

(a little boy and a little girl approaches them)
< Boy > : inay, itay, bakit lagi na lang sa kalye nyo ginagawa yan? may bahay naman tayo
< Girl > : (saying in a calm manner) hindi ba kayo nahihiya sa ginagawa nyo, mga walanghiya kayo
< Mia > : mahal ko, tinawag tayong walanghiya ng anak natin (nakangiti)
< Action star > : Mia, lumalaki na talaga mga anak natin, natutuwa ako, haha
< Mia > : kaya nga eh … dito nga kayo mga anak, tabihan nyo kami
< Action star > : dito ka sa tabi ko Jimmy anak
< Mia > : asawa ko, napakasaya ko at kinumpleto mo pangarap ko bilang isang babae … pero ba’t hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang pangalan mo? ano bang pangalan mo?
< Action star > : ano yun!? (may tinuro sa ibang direksyon ni Mia)
< Mia > : asaan? (tumingin)
< Action star > : mga anak tara na (kalmanteng bumangon, naka-boxer lang tapos dinala na yung mga bata)
< Mia > : (nakaupo, tumitingin pa rin) asaan? wala naman akong nakikita ah … asaan? (nakatingin pa rin doon)

(other location)
(dumalaw si Mia sa parents nya)

< Ann > : mga apo ko!
< Mga bata > : Lola! (yakap kay Ann)
< Christoper > : aba’t mga apo ko!
< Mga bata > : Lolo! (yakap din kay Christoper)
< Christoper > : tara sa kusina, maraming inihanda Lola nyong pagkain
< Mga bata > : yehey
(umalis na silang tatlo)
< Ann > : anak, ano tong pagwawala ng mga tao sa lugar natin, ginagawa nyo daw lampungan ang kalye
< Mia > : mamaya na lang siguro Mama, magpapahinga na muna ako sa kwarto ko
< Ann > : (watch Mia go upstairs)

(other location)
(Mia’s room, nagsusuklay ng buhok, nakatingin sa salamin nang malungkot)

< Mia > : …
(enter Ann)
< Ann > : anak, may problema ka ba?
< Mia > : (medyo tulala)
(while Mia’s looking herself at the mirror)
< Lady Narrator’s voice > : panget panget panget bakit ako panget … bakit ako panget
< Mia > : Mama, bakit ako panget?
< Ann > : hindi kita maintindihan anak
< Mia > : bakit ako naging panget? bakit, hindi ako naging maganda na lang … mas magiging masaya siguro ako kung naging maganda na lang ako
< Ann > : bakit, pinagsisisihan mo bang naging pangit ka anak?
< Mia > : siguro nga po opo … siguro nga, mas gusto ko pang maging hamak na maganda na lang
< Ann > : anak
< Mia > : alam nyo ba, sa tuwing tatanungin ko pangalan ng asawa ko, sasabihin nya, ano yun!? ano yun!? (tumuturo gestures) wala naman akong nakikita … kapangitan ko lang yata ang tanging dahilan kung bakit nya ko minahal … ayoko na ng ganitong pagkukunwari Mama, sawa na kong maging, panget! (pumunta sa pader) … panget! (pinukpok yung ulo sa pader) panget! (pukpok ulo sa pader) panget! (pukpok ulo sa pader) bakit ako panget! (pukpok ulo sa pader) panget! (pukpok ulo sa pader) (and so on…)
< Ann > : anak tumigil ka na! itigil mo na yan!
< Mia > : (tumigil na, dugung-dugo yung face ni Mia) hindi ako masaya Mama, kailangan kong gawin ito (umalis)

--- end of Chapter 58 ---
Back to top Go down
https://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter 58
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Chapter 47
» Chapter 65
» Chapter 59
» Chapter 77
» Chapter 48

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: