student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 - Prologue -

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: - Prologue -   Sat Oct 17, 2009 3:45 am

Short Film Coming : Negative One
" Ang Pagbabalik "
Prologue

Mangkukulam : (busy with her tarot cards)
(then something clank)
Mangkukulam : ..?
(nahulog yung maingay na bagay)
Mangkukulam : (tumayo tapos tinignan yung nahulog)

(may kahong may lock ang nasa sahig)

Mangkukulam : (kinuha nya yun at dinala sa lamesa)
(binuksan nya yung kahon sa paghawak lang ng kandado)
(sa loob, may video tape ito at gumalaw mag-isa)
Mangkukulam : …

(naging itim na usok yung tape at nawala)

(other location)
(a girl runs to her room and sit beside the radio)

Babae : (umiiyak)
(then someone is slamming the door)
Babae : ..! (tinatakip ang bibig)
(sound of unlocking the door and then opening)
Babae : (iyak) parang awa mo na … maawa ka, maawa ka sa ken (iyak)
maa-
(‘bang!’)
(sa ulo tinamaan yung babae)

(back to Mangkukulam)
(habang nagta-tarot cards)

Mangkukulam : ..? (may nakuhang death card sa isa sa mga tarot cards)
(then humangin ng malakas)
Mangkukulam : …
(namatay yung kandila)
(pagkatingin ulit nya sa mga cards, nandoon na yung video tape)

(other location)
(black magic store)

Salesman : pakidala na lang po sa counter banda don
Christoper : saan
Salesman : doon po

(counter)

Mangkukulam : … (nagco-computer)
Christoper : magkano po to?
Mangkukulam : yan? One-five
Christoper : fifteen pesos?
Mangkukulam : one thousand five hundred! Fifteen pesos ka dyan
Christoper : ang mahal naman, kwintas lang to ah
Mangkukulam : hoy iho, may mga kapangyarihang taglay mga binibenta ko dito, kaya mataas ang presyo
Christoper : (roll eyes)
Mangkukulam : ibalik mo na lang yan sa pinagkunan mo kung hindi mo bibilhin
Christoper : wala bang mas mura kayong binibenta?
Mangkukulam : kung gusto mo mga to na lang … on sale mga yan
Christoper : ano namang silbe ng mga to
Mangkukulam : yang glass eye, para ang kamatayan mo eh, may taong dudukutin mga mata mo habang buhay ka pa, tapos kakainin ibang parte ng katawan mo habang sumisigaw ka sa sakit
Christoper : ano daw
Mangkukulam : tapos itong salamin, sasabihan kang amoy pwet ka na maligo ka naman, libag mo ang kapal-kapal na hindi ka ba nahihiya … pero may kailangan kang pindutin sa likod nito
Christoper : wala ba kayong pampaswerte, o kaya para maging masaya ako sa, buhay
Mangkukulam : hindi mo ba nakikita, hello? Magkukulam ako, kaligayahan ko ang maging misirable mga tao kaya nagbebenta ako ng mga to
Christoper : may nabebenta naman kayo
Mangkukulam : oo naman, yung iba pinangreregalo nila mga binibili nila dito sa mga taong kagalit nila … and believe you in me, marami sila, marami
Christoper : marami?
Mangkukulam : sobra grabe, nag-uumapaw to the max promise
Christoper : nasan sila
Mangkukulam : … mamaya, mamaya magsisidatingan din mga yon
Christoper : (roll eyes)
Mangkukulam : … (heard a beep on the computer and check on it)
Christoper : … (then noticed the video tape) ah manang, magkano po dito sa video tape?
Mangkukulam : (while typing) yan? Two hundred
Christoper : ano po ba to?
Mangkukulam : video tape yan na kumukolekta ng memorya
Christoper : ito po ba yung sikat na kwento sa ibang school na kinakatakutan ng marami?
Mangkukulam : yan na nga yon wala ng iba … ano kukunin mo?
Christoper : kukunin ko one hundred pesos
Mangkukulam : two hundred pesos fix price na yan
Christoper : last price na lang manang, one hundred twenty
Mangkukulam : ang kulit … umuwi ka na nga lang kung ayaw mo at busy ako
Christoper : … nagfre-friendster po ba kayo?
Mangkukulam : oo baket?
Christoper : wala lang po … ano pong ipini-friendster nyo?
Mangkukulam : eto, nagbabakasakaling may makatagpong mapapangasawa (then laugh)
Christoper : (awkward face) sa itsura nyong yan? I don’t think so
Mangkukulam : salbahe ka, for your information, may mga tao ring tumitingin din ng what’s on the inside
Christoper : what-ever … bigyan ko kayo ng tip, subukan nyo sa facebook maraming kano don … yon mahilig pa mga yon sa mga exotic looking na katulad nyo
Mangkukulam : oo nga noh, thank you ah masubukan nga
Christoper : one hundred fifty pesos na lang pera ko dito manang
Mangkukulam : o sya sya akina na, kulit mong bata ka
Christoper : nice! teka lang po
(kumuha ng pera at binili yung video tape)

--- end of Prologue ---
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
- Prologue -
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Prologue and its purpose (or lack thereof)
» VTA M-125's using the new Tung-Sol KT150 output tubes - photos
» FF Gift of the Gallows Prologue
» 6 Minute Prologue For TDKR attached to Mission Impossible: Ghost Protocol
» PrimaLuna Prologue 2 (used )9/10

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: