student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter Nineteen

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter Nineteen   Tue Jan 06, 2009 11:37 pm

Short Film Coming
THE ORIGIN
Chapter 19

Nelson : ang ipinagtataka ko kung bakit napayagan silang magpalabas ng parang soft porn sa Auditorium, at sila pa ang nanalo! … second place nga lang pero nanalo
Christoper : mali kayang magalit ako sa isang patay, ininsulto nya ba naman ako ng ilang beses sa harap ng maraming estudyante, karamihan pa naman mga kaklase natin … (nag-isip) ano ulit tanong mo?
Nelson : yung boobies
Christoper : ah yes, boobies (hinga ng malalim) … hindi na talaga na ko magpapakamatay kasi gusto ko pang makakita ng maraming ganun … may logic din sila ah (then agreeing gesture) … may boobies! boobies sa video, desperado na talaga silang maka-attract ng interes ng mga estudyante pagdating sa pag-aaral ng film-making … paalala mo gagawa rin tayo ng katulad nun
Nelson : impusible, mahihirapan tayong ipilit yon sa susunod na nag-iisang topic lang para sa finals
Christoper : ba’t ano bang topic yon?

(other location)
(inside the fast food)

Molly : … (tumitingin sa labas ng glass window, may iniisip)
Shiela : Molly, walang sex sa government and politics, sana kung meron, political science na lang naging major ko (then tingin sa paligid baka kasi may nakarinig)
Molly : … naaalala mo ba yung mga panahon na parang may gumugulo sa kin?
Shiela : you mean yung hanggang ngayon?
Molly : gusto ko lang matanggal na sa isipan ko to siguro … isa pa, (tingin ulit sa labas) mahal ko na si Tristan … ganun naman ginagawa ng mga nagmamahalan di ba?
Shiela : …

(other location)
(back to Christoper)

Nelson : … (using cellphone)
Christoper : alam ko maling magalit pa rin sa isang patay, okey na sana yung pagkakasabi nyang naging porn star ako, pero yung dagdagan pa nya ng nakikipag-sex sa farm animals pagkatapos kinakain mga ulo nito, talagang nalungkot ako
Nelson : nagrereklamo ka pa eh ikaw nga tong may pakana nang lahat-lahat
Christoper : … baket
Nelson : (tinulak si Christoper) yung AIDS awareness mo
Christoper : ikaw tulak ka na naman! wag mong sabihing malaki katawan mo hindi kita lalabanan
Nelson : ooh---, si Christoper lalaban, gusto kong makita to
(sinuntok bigla sa mukha si Nelson pero hindi natinag)
Nelson : aba’t! siraulo
Christoper : ano lumaban ka (boxing gesture)
Nelson : yung sintas mo matatapakan mo na
Christoper : huh? (tingin sa baba)
(sinuntok sa mukha bigla si Christoper)
Christoper : (bagsak sa sahig)
Nelson : ano, hihirit ka pa?
Christoper : hindi na po kuya, gawin nyo na po gusto nyong gawin sa akin
Nelson : (natawa) tayo ka na
(pinulot yung eyeglasses)
Nelson : masakit ba? mukhang napuruhan yata kita
Christoper : wala bang dagdag?
(then may bumunggo nang malakas kay Christoper)
Christoper : sino yun? binunggo ako … si Paul ba yun? Paul! huy Paul, hindi mo ba kami tatanungin kung nasan si Mia? … huy!
Nelson : parang nakita ko umiiyak si Paul
Christoper : si Paul umiiyak!? umiiyak si Paul (then tawa)
Nelson : …
Christoper : ahahaha (and so on … then biglang hinto sa pagtawa) tara men puntahan natin

(other location)
(Paul is sitting from afar habang umiiyak talaga)
(temporary subtitle)

DAYS OF MIA … TWENTY ONE

(Christoper and Nelson approach him)
Christoper : huy Paul! (sinipa yung paa ni Paul) umiiyak ka
Paul : … (napatingin lang then tuloy pa rin sa pag-iyak)
Christoper : (awkward face)
(then enter Ann)
Ann : Paul, sabi ni Mia, sorry pero ganun talaga … ayaw na niya … may mahal na daw siyang iba
Christoper : ayun! wala na sila ni Mia, eh ang pangit naman nun
Paul : (sinipa yung paa ni Christoper)
Christoper : aray! totoo naman ah! at saka mukhang black crayola pa
Paul : (sinuntok si Christoper sa tiyan)
Christoper : ow--- (nasa sahig na … namimilipit)
Paul : (umiiyak)
Ann : … (then tumabi kay Paul, umupo rin tapos binigyan ng panyo si Paul)
Nelson : (tinulungan tumayo si Christoper) … di bale Paul, makakahanap ka pa ng ibang mas maganda, at tunay ka pang mamahalin … pinakikilala ko nga pala sayo si Christoper, Christoper si Paul (then tumabi kay Paul ‘whisper’ gesture) … wag kang maingay crush ka nyan, matagal na
Christoper : hala! pano mo nalaman
Ann : (natawa)
Christoper : pero ito Paul seryoso, kapag makikipag-usap ka na sa ibang babae, wag mong binubuksan yung zipper mo sa tapat nila
Paul : (awkward face)
Christoper : alam mo, naiintindihan kita, yung tiyuhin ko iniwan din sya ng girlfriend nya, kinabukasan namatay … Paul din ang pangalan
Nelson : (napangite)
Christoper : namatay sya sa sobrang kalungkutan … at saka sa rabies ng aso
Paul : (crying silently)
Ann : wag mong intindihin yan si Christoper, mildly retarded lang yan … birthday mo pa naman ngayon umiiyak ka
Christoper : birthday ni Paul ngayon!?
Ann : kasasabi lang ni Mia sa kin kanina kaya, (kinuha yung gift sa bag) hindi ko na naibalot yung gift
(regalo ni Ann, picture frame at saka kalendaryo na nakarolyo)
Ann : … eto picture frame, para sa picture mo … at saka (tinanggal sa pagkakarolyo … binuklat) kalendaryo, para alam mo na lagi kung anong araw meron
Christoper : paskung-pasko ah
Ann : ano daw
Christoper : (nodding nothing)
Ann : nice gifts yan … at meron pa, teka (may kinukuha sa bag) … (hindi muna inilabas, tumingin kay Paul then ngumite) HAPPY BIRTHDAY TO YOU (kumanta)
Nelson and Christoper : (nakisabay na rin) HAPPY BIRTHDAY TO YOU
(and so on…)
Ann : (while singing, may kinuhang cheesecake na cupcake sa bag, binuksan, tapos nilagyan din ng isang mini candle, sinindihan)
Everybody : happy birthday to you … yehey
(after the song)
Ann : one more time! yung inimbento naman ni Christoper
Everybody : (like happy birthday tune)
Ang gwapo mo Paul, mamatay ka na
Ang pogi mo Paul, mamatay ka na
Ang itim-itim mo Paul bakit supot ka pa
Magpatuli ka na Paul, kasi supot ka pa
Christoper : (low tone) kasi supot ka pa---
(everybody clapping)
Christoper : wala boring na to, papasukin na yung stripper
Nelson : (tingin naman)
Christoper : biro lang
Ann : hipan mo na
Paul : (may luha-luha pa rin) … (hinipan)
Ann : akina (kinuha yung cupcake tapos hinati … binigyan ng hati ang lahat)
Christoper : sabi ni Nelson, mag-boyfriend ka na lang daw, hindi ka pa iiwan
Nelson : hala!
Paul : ikaw (tapos sinuntok sa tagiliran si Christoper)
Christoper : ow---
Nelson : alam ko gustung-gusto mo ng katulad nito Paul (kinuha yung keychain na nasa bag) … sayo na lang regalo ko (binigay kay Paul)
Ann : (habang kumakain) ikaw Christoper, anong regalo mo?
Christoper : teka (nagpunas ng labi tapos sinunggaban bigla si Paul, balak halikan lips ni Paul)
Paul : shet! (tumatawa habang inuusog mukha ni Christoper papalayo)
Ann : ano ba (nangingite)
Paul : aah---!!! oo na! (tinulak si Christoper) kahit wala ka nang regalo hayop ka (nangingite)
Ann : Christoper, isa pa daw
Christoper : … (sinunggaban bigla ulit si Paul, kinagat leeg nya)
Paul : (habang tumatawa) aah---!!! (tinulak si Christoper) aah! kinagat leeg ko manyak! (nagpunas ng leeg)
Everybody : (laughing)

(other location)
(school)

Molly : … (from afar, she looks like she’s waiting for someone)
Shiela : (while walking, noticed Molly from afar) … Molly!
Molly : ..? (tumingin kay Shiela but Tristan approach her)
Shiela : ..! (nagulat tapos napatigil)
Molly : (tumingin kay Tristan then smiled at him)
Shiela : … (nakatingin lang sa kanila)
Tristan : (inakbayan si Molly then umalis na sila)
Molly : … (bago umalis, take a last look at Shiela)
Shiela : Molly

(other location)
(outside school)

Shiela : … (while walking, kinakausap yung sarili) naku, naku talaga, ano tong ginagawa mo Molly … at ano tong ginagawa mo sa kanya Shiela, ang pangit na ng mga isinusuot mo, ang pangit pa ng ugali mo … papano kung mapano si Molly? e di, kargo de konsensya mo pa yun! panghabang-buhay nyang pagsisisihan sigurado ang gagawin nyang yon---! (iyak kunwari and then) … kung sa bagay ang gwapo naman nitong si Tristan, hindi ko sya masisisi … sino ba naman ako para magbigay ng opinion eh ni hi-hello sa isang gwapong lalake hindi ko pa nafi-feel … bakit wala akong ma-feel na ganun, baket---!!! (tapos nakita si Christoper sa malayo, naghahalukay sa basurahan)
Christoper : … (busy sa paghahalukay)
Shiela : … Shiela, hindi ka pa desperada … wag mong patulan yan (then shiver gesture) … pero si Molly, si Molly, ang kawawang si Molly … may future pa syang makahanap ng mas matino at mas gwapo pang lalake … kailangang tulungan ko sya (then approach Christoper)

--- end of Chapter 19 ---
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter Nineteen
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Shingeki no Kyojin Chapter 55
» No new Fairy Tail chapter this week.
» The Beginning of the N: Chapter 1
» Look Back To Yesterday The Final Chapter Part Two

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: