student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter Sixteen

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter Sixteen   Sun Jan 04, 2009 11:23 pm

Short Film Coming
THE ORIGIN
Chapter 16

(later)
Christoper : … (nakaupo na sa harapan)
Prosecutor : maaari mo bang ituro dito sa hukuman, kung sino ang tunay na may sala?
Christoper : opo (then seryosong tinuturo si Paul) … sya po
Paul : ..! (then tumayo) Christoper! gago ka! Ano bang pinaggagagawa mo!
Judge : order! order! (hammering)
Defense attorney : Paul, umupo ka! umupo ka nga!
Paul : hinde! hindi ako uupo! at hindi ko rin maintindihan ang nangyayare! Bakit ba ko nandito ha!? baket!
Christoper : sya ang pumatay kay Mia, bilang bestfriend nya, naramdaman kong pinatay nya si Mia walang duda
Judge : (agreeing gesture)
Paul : ano!? ano bang pinagsasasabi mo!
Prosecutor : pinatay mo si Mia nung mga araw na nawawala sya at hindi na makita hindi ba?
Christoper : Paul, tama na ang pagkukunwaring nakikipag-date ka pa rin kay Mia samantalang ilang araw na syang nawawala … kasi, ang totoo nyan, patay na sya
Paul : hindi totoo yan!
Christoper : patay na si Mia Paul! patay na sya!
Paul : hindi totoo yan! hindi pa patay ang mahal kong si Mia!!!
Christoper : patay na sya! pinatay mo sya! pinatay mo sya!
Prosecutor : pinatay mo sya! pinatay mo sya!
Everybody : pinatay mo sya! pinatay mo sya!
Defense attorney : pinatay mo sya (then agreeing to the crowd)
Everybody : pinatay mo sya! pinatay mo sya!
Judge : pinatay mo sya, pinatay mo sya
Christoper : pinatay mo sya!
(in slow motion)
Everybody : pi-natay mo sya! pi-natay mo sya!
pi-natay mo sya! pi-natay mo sya!
pi-natay mo sya! pi-natay mo sya!
Paul : … (habang sinisigawan, nakapikit, nagtatakip ng tenga)
Everybody : pi-natay mo sya! pi-natay mo sya!
(and so on…)
(then tumigil na bigla lahat sa pagsigaw)
Paul : … (nagtatakip pa rin ng tenga) … (then tinanggal na mga kamay)
Christoper : … (pumunta sa harapan ni Paul)
Paul : … sya lang nagmahal sa kin, sya lang nagmahal sa, akin (iyak) (lumuha)

(fading to blackscreen)
(end of film)

(Canteen)
Nelson : (hawak yung script) saan mo natututunan to, convincing ah … ba’t nga pala ayaw nila?
Christoper : (kumakain) si Paul ayaw akong kausapin, galit sa kin tapos ayaw naman ni Ann na matatawag syang mataba, insulto daw sa kanya yun … bakit kaya ganun, yung iba naman gustung-gustong namang tumaba, pero sya
Nelson : eh hindi naman kailangang maging totoo to lahat, sinabi mo ba na katulad din ng ibang script to?
Christoper : (medyo galit) si Ann madalas naaasar ako kapag ayaw nya, ayaw nya talaga … si Paul naman … wag mo nang itanong si Paul, may sariling mundo na yun
Nelson : ba’t nasan ba kasi si Mia?
Christoper : (ewan ko gesture and continued to eat) … Nelson, di ba straight slash curious ka, dapat ba suicide awareness na lang pinili nating short film project?
Nelson : wag na, may nagawa na tayo … sayang kung magsisimula ulit (tapos nagsulat ng panibago)
Christoper : … natapos nyo ba yung sa Mall?
Nelson : (habang nagsusulat) oo … gusto mong mapanood? si Ann, hanggang Russia ang sigaw nakakatawa
Christoper : heh heh (kumain ulit)
Nelson : … dapat kasi, hindi ka gumagawa mag-isa … maski ako, ayoko neto
Christoper : (medyo nagalit) ano namang ibig mong sabihin
Nelson : gusto ko lang sabihin na … ang mga salita, kapag inabuso, nakakapanaket … eh yung mga script mo obvious na obvious nananadya ka na
Christoper : at nagsalita ang magaling, (then sigaw) pano naman ako! (hinawi mga gamit ni Nelson tapos tumayo) pano naman ako ha! sa tingin mo ba, nag-enjoy akong hawakan yang layon mo!
Nelson : (then tumayo rin sigaw) edi ba nga! nag-enjoy ka! parehas kayong pumayag ni Paul gawin yun di ba!
Christoper : pano naman yung pamalong kahoy! nagka-impeksyon anit ko nang dahil doon!
Nelson : (ginulo buhok ni Christoper) walang impeksyon anit mo! yang utak mo may impeksyon!
Christoper : oh yeah! (tinulak si Nelson) nakulong nanay mo dahil sa kasalanang ginawa mo mamamatay tao ka!
Nelson : (naging kalmante na lang) alam mo, mag-usap na lang tayo kapag … (kinukulekta mga sariling gamit)
Christoper : yung kuya mo, (then sigaw) yung kuya mo nagsundalo dahil kinukumpara lagi sayo bakla ka! (then tulak ulit kay Nelson)
Nelson : (sigaw) wala akong kuya! (tulak din kay Christoper) nag-iisa lang akong anak nag-iimbento ka!
Christoper : (sigaw) pautang ng bente! Wala na kong pang-FX!!! (tinulak ulit si Nelson)
Nelson : (sigaw) teka!!! (tulak ulit kay Christoper) … (habang kinukuha yung pitaka, seryosong nagtutulakan sila ni Christoper)
Christoper : (bumagsak sa sahig)
Nelson : o! (binigay na yung bente)
(tumigil na sila)
Christoper : … mamaya, sa bahay tayo nila Paul
Nelson : mag-eedit nga pa pala … akala ko ba kayla Ann?
Christoper : (umupo, kumain) laging, busy si Ann
Nelson : … sige pasok na ko
Christoper : ingat (kain ulit)

(other location)
(school ground)
(someone is watching Tristan saying goodbye to his classmates and then it followed Tristan from afar)
(he is going to his car)

Molly : … (just watching Tristan)
Tristan : (inside his car, about to go)
Molly : … (touching her collarbone)
(flashscreen)
(replaying the time she’s in her room looking at the mirror showing the bruise on her collarbone)
(flashscreen)
Molly : … (still touching her collarbone and looking at Tristan’s car about to leave)
(flashscreen)
(gestures only, no voices heard)
(the car is parked in a romantic place … no one is around)
(Molly and Tristan are inside the car)
(clip) Molly is smiling
(clip) Tristan smiles back
(clip) they start to kiss
(clip) they’re getting a little intimate
(clip) Tristan’s hand is going inside Molly’s privates
(clip) Molly resisted
(clip) Tristan is now forcing himself to Molly … his pushing her too while unzipping his pants
(clip) Molly starts to cry
(clip) she now then reaching for something
(clip) Tristan is then smashed in the head by Molly
(clip) Molly is getting out of the car running and fixing her ruined dress while crying
(clip) She stop a passing taxi
(clip) Molly sits in the back and still crying … and then she look at the taxi driver
(clip) the taxi driver is now turning his head
(clip) the taxi driver is Tristan
(clip) Molly is shocked, shouting
(clip) Tristan attack her

(back again to Molly)
(school ground)
(someone farted)

Molly : (nagulat then tinignan kung sinong umutot)
Dylan : (eating something) (imbis na sorry) I’m very very … proud (umutot ulit)
Molly : … (tinakpan ilong and then leave)
(Ann approach Dylan)
Ann : kumakain ka na naman (medyo galit)
Dylan : masarap eh … gusto mo?
Ann : … (embrace Dylan’s elbow)
(they walk)
(Paul approach Ann)
Paul : Ann, si Mia?
Ann : ..? hindi ko alam … sinubukan mo na ba sa canteen?
Paul : … (looking around) sige (tapos nagpaalam din kay Dylan) sige pare (umalis na)
Dylan : (nod once) … ano, kamusta araw mo?
Ann : well ito, maganda pa rin … hindi yung araw ah, ako syempre (then nagsalamin)
Dylan : (natawa)
Ann : ano ba, seryoso ako … perfect na ba ako?
Dylan : oo naman baby
Ann : (kiss Dylan then tinago na yung pocket mirror) tara na sa auditorium, hindi mo naman ako isini-sine
Dylan : isini-sine kita ah
Ann : kailan? baka hindi ako yon patatalsikin kita ng galaxy

(fading screen)

SUICIDE AWARENESS
Tristan’s group entry

(office)
Tristan : … sa kauna-unahang pagkakataon, bumuo kami ng bagong relihiyon na tumutugon sa ispiritwal na pangangailangan ng mga tao … kami ang mga sekto na malalapitan ninyo, kung saka-sakaling may matindi kayong problema na kami lang ang makakalutas, sa iba’t ibang paraan

(other location)
(Tristan’s desk)

Franco : maraming salamat at ininbitahan nyo ko na sumali sa inyong relihiyon, ngayon, nakalimutan ko na ang intinsyon kong kitilin ang aking buhay … at salamat sa iba’t ibang paraan na ipinakita ninyo, naisip kong napakasaya palang mabuhay
Tristan : tama ka Franco, masaya talaga ang mabuhay, kaya wag mo na ulit maski isipin pa ang pagpapakamatay
Franco : opo brother Tristan … (tapos may kinuha) maraming salamat po ulit sa lahat, tanggapin nyo po itong maraming pera gaya ng ginagawa ng lahat para sa relihiyon ninyo
Tristan : (sinaway) Franco, alam mong hindi ko tatanggapin yan
Franco : pero?
Tristan : kasi sa kanya mo dapat ibigay, ang mga perang yan (may itinuro)
(showing another desk)
Woman : (smiling) dito po

— end of Chapter 16 —
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter Sixteen
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Shingeki no Kyojin Chapter 55
» No new Fairy Tail chapter this week.
» The Beginning of the N: Chapter 1
» Look Back To Yesterday The Final Chapter Part Two

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: