student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter Fifteen

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter Fifteen   Sun Jan 04, 2009 11:21 pm

Short Film Coming
THE ORIGIN
Chapter 15

(other location)
(elementary school)

Christoper’s voice as Narrator : takot si Paul sa mga babae, kahit na may gustung-gusto sya, wala syang ideya tungkol dito … masyadong insecure kasi sa sarili tapos lagi pang sinasabi na …

Paul : pangit ako kumpara sa nanliligaw sa kanya, pagtatawanan lang nila ako
Christoper : hindi ka panget
Paul : medyo mataba pa ko samantalang athletic yung nanliligaw sa kanya
Christoper : no, wag mong laitin sarili mo masama yon … tara, kamustahin lang natin tara
Paul : ayoko
Christoper : kakamustahin lang natin!
Paul : ayoko!
Christoper : kakamustahin lang!
Paul : (galit) ayoko sabe!!! ayoko ayoko ayoko!!!
(cut)

(si Paul ay naka-kapote lang, approaching Jessica)
Jessica : ..?
Paul : Jessica kamusta (tapos binuksan yung kapote, walang brief)
Jessica : ..! (nanlaki yung mata habang nakatingin sa ano ni Paul) aah—!!! bastos!!! (sinampal nang malakas si Paul) (then umalis na si Jessica)
Paul : aray (tinakpan na sarili tapos tumingin kay Christoper)
(sa malayo, tumatawa si Christoper kasama ng mga kaklase nila)
Christoper : (tumatawa nang malakas habang itinuturo si Paul)
Paul : (sinimulang umiyak tapos tumakbo papalayo)
Christoper : (tumatawa pa rin nang malakas kay Paul) hahahahaha!!!

(other location)
(Paul’s room)

Christoper’s voice as Narrator : ang hula ko, nagkaroon ng napakasamang kaibigan itong si Paul dati tapos kung anu-ano pang itinuturo sa kanya kaya nagkaroon na ng trauma sa mga babae

(Paul as a little kid beside the window, lumuluha nang matinde … he’s staring at the sky)
(then his mother enter the room)

Mom : Paul! naramdaman ko na malungkot ka
Paul : (lumuluha)
Mom : o bakit ka umiiyak!?
Paul : Mommy, si Christoper ‘sob’ si Christoper pinahiya nya ko sa crush ko po, hu—
Mom : lintik na Christoper na yan! ilang beses ko na bang sinabi sayo na, masamang impluwensya yang bata na yan! masamang balita lagi yan! walang inisip sa buhay yan kundi ang manakit ng maraming tao! Kung ako nga hindi nya pinalagpas! Hindi na tumubo buhok ko ng dahil sa kanya! (tinanggal wig) natatandaan mo! eto o, eto!
(close-up) (medyo sunog yung tunay na kokonteng buhok)
Paul : (habang lumuluha, nodding yes)
Mom : lin-tik na Christoper na yan! yang Christoper na yan hmph—!!! (tapos umutot)
Paul : Mommy, mabait naman po si Christoper eh … hindi sya masamang tao gaya ng iniisip ninyo ‘sob’
Mom : anak, marami pang ibang bata na kasing edad mo, ang deserving sa kabaitang ipinapakita mo para maging kaibigan ka … sumubok kang mag-iba ng kaibigan , tiyak ko, mas magiging masaya ka na anak ko (niyakap si Paul) … Paul, walang masama sa pagbabago, magbago ka na ng kaibigan anak
Paul : … (habang niyayakap … nagpunas ng luha) ‘sob’

(other location)
(Library)
(malaki na sila Christoper at Paul)

Paul : (nag-aayos ng sariling damit) … Tupe! may deyt na naman kami ni Mia, sa tingin mo, makakahalik na kaya ako ngayon sa kanya?
Christoper : (awkward face) kalahating taon na kayong nagde-date, hindi ka pa rin nakakahalik!?
Paul : (nangingite) gusto ko, gusto ko slow … para mahulog talaga loob nya sa kin
Christoper : (habang nagbabasa ng libro) hindi ko alam kung anong kulam ginawa sayo, eh ang pangit naman nun! itim-itim pa
Paul : (nangite) hindi sya panget … exotic lang si Mia … pano, sige pare (then umalis na)
Christoper : (yawning)

(back to Nelson)
(night … Nelson riding the motorbike in black leather jacket then pumara sa tapat ng bahay, may kinuhang steel bat din sa motorbike)
Nelson : (lasing) … (hinampas yung bintana)
(‘crash!’)
Woman’s voice : ano yun!
Nelson : labas! (hinampas yung paso … basag!) lumabas ka matandang makati dila! anong pinagkakalat mong kriminal Mama ko! ha! (hinampas yung isa pang paso)
(‘crash!’)
Woman’s voice : Nelson! tigilan mo nga yan!
Nelson : hindi kriminal Mama ko! (hampas na naman … basag!) hindi kriminal ang Mama ko! (hampas)
(‘crash!’)
Woman’s voice : nagsasabi lang ako ng totoo!
Nelson : hindi kriminal ang Mama ko!!! (hampas sa glass window … basag!) lumabas ka dito! Sabihin mo sa harap ko yan! (hampas … basag!) labas sabi!
Woman’s voice : kitang-kita naman sa ugali mo rin di ba! Pare-parehas kayo!
Nelson : ikaw na makati dila! lalabas ka ba o ako mismo papasok sa lunggang pinagtataguan mo! (hinampas yung pintuan tapos pumunta sa isang sasakyan then pinagpupupukpok ito)
Woman’s voice : mga kapitbahay! Tulungan nyo ko! … Nelson! tumigil ka na! tigilan mo na yan! aah!!! Mga kapitbahay!
(wasak na wasak na yung sasakyan pero may pulis na dumating)
Nelson : … (habang hinahampas yung sasakyan napatigil, tapos tinignan yung ilaw ng mga pulis)

(other location)
(prisinto)
(Trevor, kausap yung pulis)

Officer : (galit) lagi ka na lang naka-carnapan ng kotse! ilang kotse pa ba ang balak mong ipamigay bata ka
Trevor : hindi ko ipinamimigay mga kotse ko! mahal lahat yun! Saka bakit ikaw tong galit samantalang ako tong dapat magalit kasi ang tatamad nyong kumilos para sa mga ganitong kaso!
Officer : hoy! Magdahan-dahan ka nga sa pananalita mo! gusto mong kasuhan kita!
(then another police came with drunken Nelson na naka-posas mga kamay at bitbit-bitbit sa likod ng kwelyo ng jacket si Nelson ng isang pulis)
Pulis : Ted, sino bang naka-shift ngayon para sa pag-aasikaso nito?
Officer : ikaw na naman!? Lagi ka ring labas-masok dito bata ka ah!
(habang sinisermunan si Nelson)
Officer’s voice : wala ka bang mas matinong ginagawa para gugulin yang oras mo para sa mas kapakipakinabang na mga bagay! ha!
Trevor : … (tinitignan si Nelson na pawis na pawis)
Nelson : … (habang lasing, nod once then ngumiti kay Trevor, kinindatan pati)
Trevor : (awkward face)
Officer : sige! ibato mo muna dyan yan!
Pulis : tara! (tapso hinila si Nelson, inihagis sa sofa kaso nahulog) … tayo! Umayos ka! (itinayo, tapos itinulak nang malakas ulit sa sofa)
Nelson : … (habang lasing, umayos ng upo, nakayuko ng konte at may posas)
Pulis : (binatukan talaga nang malakas si Nelson) wag kang susuka ulit dyan narinig mo!
Nelson : (nodding yes, nakatingin lang sa sahig)
(then umalis na yung pulis)
Trevor : (galit) hindi nyo pwedeng tratuhin ng ganyan mga tao
Officer : gusto mo bang mabalik ulit mga kotse mo?
Trevor : (no response … medyo galit tignan)
Officer : (may inasikaso ulit)
Nelson : … (nakatingin lang sa sahig)
(pinuntahan ni Trevor si Nelson sa sofa)
Trevor : … dude, are you alright?
Nelson : … (hindi tumitingin kay Trevor, ngumingite then nodding yes) … (ngite, nod yes then natawa)

(back to Ann)
(pie-eating contest)
(Dylan and Ann as little kids)

Ann : (kumakain ng mga pie)
Dylan : … (pilit kinakain mga pie) (mataba rin)
(sila na lang ang natitirang kumakain)
Host : sige pa! sige pa! kaya nyong ubusin yan! sige!
Dylan : uh— (ayaw na, tapos bumagsak sa sahig)
Host : ano to? Bagsak na si Dylan! At ang panalo, si Ann! (tinaas kamay ni Ann)
Ann : (ngumingite habang itinataas mga kamay)
(audience clapping)
Ann : (kumakain pa rin)
(later)
Dylan : … (nasa gilid, sumasakit tiyan)
(Ann approach him)
Ann : ano, okey ka lang?
Dylan : ..! (okey na agad) uy! ikaw pala! Congratulations, ang galing mo … aray (hinawakan ulit tiyan)
Ann : kailangan mo na yatang ipunta sa clinic yan
Dylan : oo nga, mukha nga AHAHA (then medyo nahiya ulit) … pero, bago ko gawin yon, um, pwede bang , makuha phone number mo?
Ann : phone number, ko?
Dylan : oo sana eh
Ann : seryoso ka, kukunin mo, phone number ko? (medyo tuwang-tuwa)
Dylan : (nodding yes)
Ann : okey! (nodding yes smiling big to Dylan)

(other location)
(Ann’s room)

Ann : … (tinitignan yung damit nyang suot sa malaking salamin)
(then lumaki na sya)
Ann : (sexy na) … (tinitignan yung ibang magandang damit nyang suot sa malaking salamin)
Mom’s voice : anak, inaantay ka na dito ni Dylan!
Ann : opo! nariyan na! (then look again to the mirror) … perfect! (she smile)

(back to Paul)
(court hearing)
(pumasok si Paul nang naka-posas at naka-preso na uniform)

Paul : … (tinanggal ng pulis mga posas nya and then umupo na si Paul sa defendant seat)
(then pumasok na ang judge)
Bailiff : all rise, for the honorable judge
(tumayo lahat)
Judge : … (hammering then umupo na)
(umupo na rin lahat)
Prosecutor : your honor, gusto ko lang papasukin ang surprise witness ko
Judge : (agreeing gesture)
Paul : akala ko ba, walang surprise witness ang mga yan?
Defense attorney : kaya nga surprise, ako nga rin, na-surprise
Paul : (angry face then tumingin sa pinto)
(bumukas yung pinto … Christoper is the witness)

— end of Chapter 15 —
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter Fifteen
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Shingeki no Kyojin Chapter 55
» No new Fairy Tail chapter this week.
» The Beginning of the N: Chapter 1
» Look Back To Yesterday The Final Chapter Part Two

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: