student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter Fourteen

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter Fourteen   Sun Jan 04, 2009 11:20 pm

Short Film Coming
THE ORIGIN
Chapter Fourteen

(other location)
(sa kalye)
(Nelson as a little boy)

Christoper’s voice as Narrator : ang hula ko, habang lumalaki syang bata, lumaki syang walang kaibigan

(showing Nelson as a little boy, payatot at galing ng tindahan … he’s walking while other kids are calling him names)

Every kid :
- bakla!
- bakla!
- bakla!
- bakla!
- bakla!
(and so on … pero si Nelson nakayuko lang)

(other location)
(Nelson’s room)
(Nelson as a kid is beside the window, lumuluha nang matindi … he’s staring at the sky)
(then his mother suddenly push the door)

Nelson : ..!
Mom : (nagpa-panic) Nelson anak! Magmadali ka! (pumunta agad sa cabinet ni Nelson, nagmamadaling mag-impake) … ang Daddy mo! Natunton na naman ng mga humahabol sa kanya!
Nelson : …
Mom : (habang nag-iimpake sa maleta) kailangan nating magmadaling umalis dito anak! Lilipat tayo ng bagong bahay! Tama! bagong bahay! … ewan ko kung saan, pero makakaisip rin ako ng paraan para sa susunod nating … (then noticed Nelson)
Nelson : … (may luha-luha)
Mom : … anak? (then lumapit kay Nelson) umiiyak ka ba anak? (then pinupunasan mga luha ni Nelson)
Nelson : … (nodding no)
Mom : anak, alam ko na mahirap ang sitwasyon lagi natin pero, ginagawa ng Daddy mo ang lahat para mabuhay lang tayo, lilipat man tayo ng bagong lugar, para rin naman maprotektahan natin ang sarili natin sa iba … silang mga gustong manakit sa atin naiintindihan mo ba? (then niyakap si Nelson) … walang masama sa pagbabago anak, wala
Nelson : … (just staring in space while having tears)

(other location)
(sa prisinto)
(malaki na ulit si Nelson)

Nelson : (naka-black jacket) … (nakaupo nang medyo nakahiga sa upuan habang nakaposas)
(then dumaan si Trevor … hindi pa sila magkakilala)
Trevor : (kinakausap yung isang pulis)
(no voices heard)

(blackscreen)

ANN

(campus comfort room)

Christoper’s voice as Narrator : feeling araw-araw nasa beauty pageant tong si Ann … perfect na ba ko? Perfect na ba ko? Ginagawa akong answering machine kaya hanggang sa nagsawa na lang akong sagutin sya

(Ann na nagsasalamin, nagpapaganda)
Ann : perfect na ba ako? (then smile)
(Ann now walking in corridor, waving to no one, she just like to wave and throw flying kiss)
(may dalawang babae na napapansin si Ann)
Girls : … (awkward faces)
(pagdating sa campus stairs, nahulog si Ann, gumulong sa maraming steps na hagdanan)

(other location)
(Ann’s room)

Christoper’s voice as Narrator : hindi ko alam kung bakit ang seksi-seksi nito samantalang laging gutom naman lage … hindi kaya bullimic si Ann?

(Ann as a kid before)
Ann : (matabang-mataba … ngumingiti habang tumitingin sa malaking salamin) … ewan ko lang kung hindi pa magkagusto sa akin yun (nakabihis ng ewan pero pang-alis) … ay! nalaglag ipit ko … (pinakita, kalahating katawan nya yumuko)
(cut)
(gumugulong sa hagdanan ulit si Ann, nahuhulog na naman)
Ann : (habang gumugulong) ano ba! Bakit ba?

(other location)
(showing the whole romantic view of the lake)
(si Ann at ang gwapong ka-date nya na batang lalake, dalawa silang nasa bangka)

Ann : Richard baby, mahal mo ba ko?
Richard : … (may tinitignan na iba habang ngumingite)
Ann : Richard? (then sigaw) Richard!!!
Richard : …! (nagulat tapos tingin ulit kay Ann)
Ann : (galit) ano yang tinitignan-tignan mo! (tapos tumingin sa iba)
(may batang babae na maganda sa ibang bangka ang kumakaway kay Richard)
Richard : … (kumakaway pabalik habang ngumingite)
Ann : (sinaway si Richard) aba’t, tumigil ka nga! (tapos tumayo sa bangka, dinuro yung babae) at ikaw malandi ka! Tigilan mo pagkaway-kaway sa magiging boyfriend ko!
Batang babae : ..!
Richard : wag kang tumayo Ann! Wag kang tumayo
Ann : (sinisigawan pa rin yung babae) ano! ha!? Suntukan tayo kung gusto mo!
Richard : Ann umupo ka na
(umuuga na yung bangka)
Ann : ah, ah, ah, whoa— (mahuhulog gestures) aaahh!!! (nahulog sa bangka)
(cut)
(gumugulong sa hagdanan, nahuhulog na naman)
Ann : (habang gumugulong) saan ba galing to—?

(other location)
(Ann’s room)

Christoper’s voice as Narrator : ang hula ko, matabang babae si Ann nung bata pa, at walang magkagusto na maging girlfriend sya … lumipas ang panahon na hindi sya nagkarelasyon sa kahit na sinong lalake kahit gustung-gusto na nya, kaya ngayon lang sya bumabawe

(Ann is beside the window, lumuluha nang matindi … she’s staring at the sky)
(then her mother enter her room)

Ann : …
Mom : anak, maglalaba na ko, akina mga nakakalat mong mga damit
Ann : … (nagpunas ng luha at sinimulang kunin yung mga damit nya)
Mom : … (habang kinukuha rin yung mga damit, she noticed Ann)
(may luha-luha si Ann)
Mom : anak? (lumapit kay Ann) umiiyak ka ba? (then pinunasan mga luha ni Ann)
Ann : (umiyak at niyakap ang Mama nya) … Mama, Mama (iyak)
Mom : o, bakit ka naman ganyan? may umaway ba sayo?
Ann : ‘sob’ ‘sob’ (bumitaw na then nodding no tapos pinunasan sariling luha)
Mom : eh anong problema?
Ann : Mama, maganda ba ko? ‘sob’
Mom : oo naman anak, baket?
Ann : sinasabi nyo lang yan kasi anak nyo ko ‘sob’ ‘sob’
Mom : Ann, hindi totoo yan
Ann : mga nagugustuhan ko po sa school, ba’t mas gusto nila yung mga payat na babae kaysa sa akin (iyak)
Mom : (nangite) Ann anak, bata ka pa, hindi mo pa dapat pinoproblema ang mga ganyang bagay sa ngayon … marami pang panahon ang naghihintay sa ganyang crush crush lang sa mga lalake … (pinunasan luha ni Ann) malay mo, maging sexy ka paglaki mo, mas maganda ka na kaysa sa iba o di ba … malusog na diet lang yan, ayos na … (hinimas buhok ni Ann) anak, walang masama sa pagbabago
Ann : … (pinunasan uhog habang umiiyak pa rin)

(other location)
(tumatakbo si Ann papuntang bakery)

Ann : (habang tumatakbo) hindi ko kaya ang diet, hindi ko kaya ang diet, hindi ko kaya talagang mag-diet … miss! Ikaw! oo bigyan mo ko neto, (may tinuturo) neto neto neto neto, lahat yan! … please—
(kumukuha na yung tindera)
Ann : … (natatakam habang tinitignan yung mga tinapay) ..? (then napansin isang plier announcement na nakadikit sa pader) … (nilapitan)
(showing the plier)
Ann’s voice : ano!? pie eating contest!? At libre! Aah—!!!
Tindera : ..!
Ann : swerte! (kinuha plier) at ngayong araw na rin pala to … um, miss sorry pero, pupuntahan ko na lang to, sige! Sorry ulit (tumakbo palabas)

(blackscreen)

PAUL

(elementary school)

Christoper’s voice as Narrator : dito ko nakilala sa school si Paul … elementary at highschool ko rin syang naging kaibigan at kaklase pero nung elementary, doon ko na napansing mas normal pala syang bata kaysa sa kin

(Paul and Christoper as little kids)
Paul : Tupe! ano yang ginagawa mo!?
Christoper : ( may hawak na matalas na basag na salamin at tinatatatuan yung sariling braso ng SHIRLEY ) ahh … (nasasaktan habang nagdudugo yung mga letra at yung kamay na may hawak na basag na salamin)
Paul : bitawan mo yan! (kinuha yung salamin at binato) gago ka, anong pinaggagagawa mo sa sarili mo!?
Christoper : Paul, naniniwala ka ba sa true love? Sa tingin ko, in love na yata ako … ah— ang saket (tumutulo mga dugo)
Paul : walang true love! Kalokohan lang yon!
Christoper : totoo! Kung maniniwala ka, mararamdaman mo to, ah—
Paul : kailangan mapunta na kita sa clinic! Tara!
Christoper : wag! gagamutin nila to ayoko
Paul : o sige bahala ka na dyan (binitawan si Christoper tapos paalis na sana)
Christoper : teka teka sige dalhin mo na ko, ow

— end of Chapter Fourteen —
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter Fourteen
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Shingeki no Kyojin Chapter 55
» No new Fairy Tail chapter this week.
» The Beginning of the N: Chapter 1
» Look Back To Yesterday The Final Chapter Part Two

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: