student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter Twelve

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter Twelve   Sun Jan 04, 2009 11:15 pm

Short Film Coming
THE ORIGIN
Chapter 12

(still in women’s C.R)
(nasa harap sila ng dulong cubicle)
(may dalawang tigre sa loob ng CR sa bandang malayo)

Nelson : ano, okey ka na
Ann’s voice : ‘sob’ okey na
Nelson : wala, panakot lang sayo to ni Tupe, ideya nya lahat to … di ba Paul
Paul : oo (then tingin kay Ann, nodding no at tinuturo si Nelson)
Ann’s voice : ‘sob’ kasama ba sa entry natin to?
Nelson : hinde, sa ngayon pumipili pa lang tayo ng recorded videos na ipapasa
Ann’s voice : mas mabute, kundi lagot kayo sa aken
(then natatawa sila Paul at Nelson)
Ann’s voice : mga sira kayo (showing Ann’s hand, pinapalo si Nelson tapos palo ulit)
Nelson : … hindi ko naman kasi alam na, matatakutin ka pala masyado sa kunwaring multo
(hinila damit ni Nelson)
Paul : Ann, walang multo! Ito, parang bata pa rin kung mag-isip … paiyak-iyak pa, (‘ginaya kanina’) aah! aah! aah! aah!
Ann’s voice : (natawa) … ayoko sanang maniwala pero, si Joey, papano ka naman napasali?
Joey : isinama ako dito ni Tupe kahapon
Ann’s voice : … pano nyo nagawa lahat yon? Yung mga cubicle
Nelson : basta … Paul, lakad na
Paul : (hinga ng malalim … then pumunta na sa mga tigers)
(then bumalik ulit)
Paul : ayoko ayoko … mukhang tanga to si Nelson, ba’t kailangan kasing may tigers pa
Nelson : nakakatawa tigers … mas mananalo tayo sigurado kung magpapalapa ka
Paul : ikaw
Nelson : Ann, ayaw ni Paul, ikaw na lang daw
Ann’s voice : later
Nelson : (medyo galit) ano Paul … lahat ng extra challenge na ginawa, ii-edit ko yun sa entry natin … kung si Christoper nga layon hinawakan
Ann’s voice : layon!? Si Christoper layon hinawakan?
Nelson : ano na
Paul : tig-isa ba kami ni Ann?
Ann’s voice : ano!? Ayoko nga!
Nelson : dinalawa ko yan para lang sayo … kahit tig-isang hawak sa bawat isa
Paul : … (tinitignan yung mga tigre)
Nelson : yan, habang pinapakain ng mga trainers
Paul : (pinupuntahan na)
Joey’s voice : ang alam ko, lalong nagiging dominante mga tigre kapag habang kumakain
Nelson : sshhh
Ann’s voice : teka Paul! Nakaharang likod mo, hindi kita sa camera
Paul : lapit ka kasi
Nelson’s voice : pahirapan natin sarili mo Paul, hawakan mo mga yan habang sinusumpit ko ng munggo mga tigre
Paul : gago ka ba!
Joey and Ann’s voice : (natawa)
Paul : …
Tiger : (noticed Paul) RARRARRR!!!
Paul : nyayayah— (nakalmot ng konti yung damit) ayoko na ayoko na
Ann’s voice : malapit na sana Paul
Nelson’s voice : malapit nang malapa
Paul : ayoko na! (pero pumunta pa rin)
(carefully going to touch the tigers, then mabilis na himas sa mga to habang kumakain)
Paul : wehk wehk wehk (sabay layo agad)
(big logo on screen … TASK COMPLETED … blinking on screen)
Joey : galing pare
(everybody clapping)
(fading screen)
(end of film)

(going to the tournament ground)
(Ann, Nelson, Paul and Joey walking)
Ann : … ay muntik ko nang makalimutan! (may kinuha sa bag … isang longsleeves polo) … Joey pirma ka rin dito, sayang nakalimutan kong papirmahin yung janitress pati (binigyan din ng pentel pen si Joey)
Joey : ba’t ano to
Ann : pirma lahat ng mga nag-participate sa video projects namin
Paul : gamitin mo muna likod ko pare
Joey : … (pinirmahan yung polo ni Ann) Ann o (binigay ulit)
Ann : thank you
Nelson : … marami pa ring tao

(other location)
(they meet Jibert and Ervin, watching the tournament)

Ann : Ervin
Ervin : ..? Ann! Ann, ang galing ni Tupe, galeng, nananalo lage (nodding yes)
Ann : nagugutom ka na? kain na tayo gusto mo?
Ervin : (nodding no) ayoko pa, mamaya na lang, nood pa ko Ann
Ann : … nagkita na kayo ng Mama mo?
Ervin : (nodding yes) ang sabi ko, sasabay na ko sayo
Ann : o ano nang nangyayare dito?
Ervin : y-yun o (may tinuturo)
Joey : ano na Jibert?
Jibert : natalo ako pare
Joey : talo ka!?
Jibert : oo talo … (tapos inakbayan si Ervin, pinanggigilan) hindi kasi ako tinuruan ni Ervin eh, kaya natalo ako hindi ako tinuruan
Ervin : haha, talo sya, talo, kasi maganda yung kalaban nya kanina, sexy kaya pinagbigyan nya (nodding yes)
Joey : tinalo ka ng babae? Nakakahiya ka wala ka pala
Jibert : magaling din pare, malupet … buti nga si Christoper nakakaiwas sa mga magagaling yata
(then they watch the ongoing tournament)
(showing some quick highlights of the tournament then at the end, Christoper won the first prize trophy)
(Christoper on stage, handshaking the promoter of the game then receiving the trophy and a medal)
(later, all of them is on stage having picture of them taken)
(fading screen)

(other location)
(school)

Ann : … (while walking, noticed Christoper talking with Sir sa medyo malayo)
(Christoper is now done talking with the teacher)
Christoper : ba’t ayaw kasing magpatule
Ann : Christoper! (approaching him)
Christoper : ..?
Ann : Christoper, ba’t ka kinausap ni Sir?
Christoper : (seryoso) tinanong lang kung gusto nya daw akong ibagsak ngayong sem
Ann : tinanong nya yon? Anong sabi mo?
Christoper : ang sabi ko, Sir wag po ako, si Ann na lang ang ibagsak ninyo, balita ko nagiging pusher ng droga daw yun sa gabi … sabi nila, oras na makagat ka ni Ann, magiging pusher ka rin daw katulad nya
Ann : … (awkward face)
Christoper : Ann, pusher ka ba?
(biglang sulpot si Paul)
Paul : (medyo galit … hinarangan si Christoper) Tupe, nakita mo ba si Mia?
Christoper : (biglang sigaw) dammit Paul! Wala sa ken! Wala sa akin, okey! Pang-pitong beses mo na yang itinanong sa akin ngayong araw nato! Ba’t ayaw mo na lang kasing tawagan sa cellphone!
Paul : (galit) hindi pwede! Walang cellphone si Mia! bobo!
Christoper : wag ka sa kin magalit! Hindi ako tong nagtatago sayo tanga!
Paul : (sinuntok sa mukha si Christoper nang malakas) hindi ako pinagtataguan ni Mia gago ka!
Christoper : (bagsak sa sahig)
Ann : (pinigilan) Paul, Paul!
Paul : … (tumingin kay Ann)
Ann : subukan mong hanapin si Mia sa canteen, malamang nandoon ngayon yon, doon kami tumatambay lagi eh
Paul : … (umalis na lang)
Ann : … tumayo ka na dyan (tinulungan si Christoper) … ikaw naman kase, kapag alam mong may sasabihin ka nang masama, tumigil ka na agad
Christoper : … (pinagpagan sarili)

— end of Chapter 12 —
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter Twelve
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Trial of Jedidiah Curry Chapter twelve Part one
» He Was Only Twelve
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Shingeki no Kyojin Chapter 55
» No new Fairy Tail chapter this week.

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: