Kwela Nobela
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.


student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeLatest imagesSearchRegisterLog in

 

 Chapter Ten

Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin



Posts : 445
Join date : 2009-01-04

Chapter Ten Empty
PostSubject: Chapter Ten   Chapter Ten Icon_minitimeSun Jan 04, 2009 11:12 pm

Short Film Coming
THE ORIGIN
Chapter Ten

(from afar)
Nelson : (habang naglalakad) … dito na yata nagkadiploma tong mga to
(approach the three near the crowd)
Nelson : kasali ba kayong lahat dito?
Dave : oo
Nelson : gusto ko lang malaman nyo na tatalunin lang kayong lahat ni Christoper, batang Promil yata ang isang yon
Angelo : sino? Yung mapute?
Nelson : oo, kilala mo yun?
Angelo : hinde
Dave : itim ang buhok, dalawa mata?
Nelson : tama, sya nga yun
Dave : hinde, hindi namin kilala
Gino : … (may binulong kay Angelo habang nakangite tapos may itinuro)
Nelson : ba’t ano yon?
Angelo : etong kaibigan ko, may gusto don
Nelson : sa ano? (tinignan)
(showing Ann sa malayo may hinihintay)
(back to them)
Nelson : ba’t ayaw mong ligawan?
Gino : (nodding no) … hindi naman yata ako siguro papansinin
Nelson : (awkward face) alam mo, meron akong pinsan dati, hindi niligawan yung gusto nya, nagpakamatay!
Gino : …
Nelson : ang sabi sa suicide note nya … Mom, Dad, bakla ako, tapos may pirma ng dugo nya
Gino : Sinasabi mo bang bakla ako!?
Nelson : huh!? Narinig mo iniisip ko!? Psychic ka ba?
Gino : eh siraulo ka pala eh (sinuntok si Nelson sa mukha)
(bumagsak si Nelson sa sahig tapos pinaggugulpi pa nilang tatlo sa sahig)
Nelson : Paul … tu-long
Camera man : … (nodding ‘no’ the camera)
Nelson : (ginugulpi pa rin ) ungh … ungh … ungh
(cut)

Nelson : (while walking may hawak na pamalong kahoy, pinampapalo sa sariling palad) babanatan ko lang tong babaeng to, dahil sa kanya pinaggugulpi ako
(while going to Ann)
Ann : ..? (just waiting then noticed Nelson)
Nelson : … (pagkalapit kay Ann, tinapon nang maayos yung pamalong kahoy sa tabi, papansin lang) Paul yung mic … miss, nandito ka rin ba para sa tournament?
Ann : ah hinde, may hinihintay lang ako
Nelson : sino?
(then Mama enters the scene)
Mama : (looks worried) Ann anak, may nangyare, may nangyare
Ann : ano po yun Mama?
Mama : si Emma, si Emma ang kapatid mo, buntis pala! Buntis sya ngayon! Ang malanding yun! (iyak)
Ann : ano!? Mama, impusibleng mangyare yon, lalake sya dati
Mama : hindi ko na talaga alam ang gagawin sa ate mo … hindi pa ko pwedeng maging Lola, bata pa ko!
Ann : wag nga kayong magsalita ng nonsense, hindi ko sya ate, okey? Tawag ko sa kanya kuya, kuya! Kaya hindi sya pwedeng, magbuntis!
(enter Papa and Emmanuel)
Papa : sinong mukhang ipis?
Ann : Emmanuel, pwede mo bang sabihin kay Mama na nagsisinungaling ka lang
Emmanuel : kung ganun, tignan mo nga to (may pinakitang pregnancy test na basing-basa pa at tumutulo)
(close-up) pregnancy test na positive
Ann’s voice : no thank you!
(normal view)
Ann : kalokohan lang yan alam mo yan! Hindi, ikaw, buntes!!!
Papa : Ann! Kung sinabi ng kapatid mo buntis sya, talagang buntis sya! … Emma (then smile)
Emmanuel : thank you father
Papa : you’re welcome, daughter
(they smile to each other)
Nelson : … baka naman talagang buntis kuya mo
Ann : ang kuya ko ay hindi kailanman magbubuntis, never! Sya, ay isa lang, baliw!!! (sinigawan si Emmanuel)
Papa : Ann! Ang kuya mo ay hindi baliw! Tawag sa kanya, hermaphrodite! … Emma, (smile) honk-honk (talagang pinisil dede ni Emmanuel ng dalawang beses)
Mama : ah shoosh Carlos! Ang tanong ay, papano mo palalakihin ang anak mo ng walang ama?
(then may dumaang machong lalake)
Mama : (hinarang yung lalake) ikaw? Gusto mo bang maging asawa ang anak ko? (kinuha si Emmanuel)
Lalake : sino? Ito? (sinapak bigla sa mukha si Emmanuel … and then lumakad na ulit)
Emmanuel : ..! (bagsak sa sahig tapos ‘nangingiyak’ gesture) ang anak ko—, ang anak ko (habang hawak-hawak ang tyan) … Mama ang anak ko (iyak)
Mama : aah!!! Dyos ko! Teka teka anak … tutulungan kita (bubuhatin na sana patayo)
Papa : … (tinulak si Mama)
(tapos dalawa na silang nasa sahig, naiipit si Emmanuel)
Emmanuel : wah— (iyak)

(then nagkagulo mga tao sa bandang medyo malayo)
(a real black puma in a Mall … pinakita na sa mga walang kamalay-malay na mga tao)

Black Puma : … (pumunta sa tournament ground)
(yung mga players nagsitabi muna sa gilid lahat)
Paul’s voice : Nelson, gawin mo na
Nelson : teka, bumibwelo lang ako
Ann : ano daw? Sa atin yung puma?
Puma : … (pinatalikod kay Nelson, distracted by the animal trainer)
Nelson : eto na
Ann : …
Puma : RARRARRR!!!
Nelson : … nay (pero nahimas yung likod nung puma ng dalawang beses sabay layo)
(showing on screen … 1 out of 2 … is blinking)
Ann : ang galing Nelson
Nelson : (smile) … nakakanervus (then pinatunog mga daliri)
Ann : Ervin! Look, black puma o!
(then focus camera to Ervin, Christoper, and Jibert, watching from afar)
Ervin : (clapping)
Paul’s voice : … isa na lang
Nelson : o sige sige (hingang malalim)
Ann : ano! Isa pa?
Nelson : ngayon yung noo naman nung puma … (then carefully going to touch the puma’s forehead)
Ann : Nelson wag
Paul’s voice : hinde, kaya nya yan
Puma : RARRARRR!!! (distracted)
Nelson : … (nagmadali agad hawakan sabay takbo)
( TASK COMPLETED is blinking on screen)
Ann : ano bang nangyayare?

(fading to blackscreen)
(end of film)

(still inside the Mall)
(everything’s normal now … family of Dylan ay wala na)

Ann : bakit ka naman binubugbog ng mga taong yun kanina?
Paul : parte ng random script nya … uminterview ng mga di kilalang tao
Nelson : (pinapanood yung nai-record sa camera) bakit okey naman tong nadagdag … saka isa pa, wala si Christoper, kailangan nating mag-improvise
Ann : … (nag-pocket powder)
Nelson : ang problema na lang yung huling script, kailangan ng isa pang tao … mamaya pa yatang gabi matatapos yung leader natin
Paul : … si Joey, yung kaibigan nya, nasa arcade lang di ba? Pakiusapan natin muna
Ann : (habang nagpa-pocket powder) papayag ba yon?
Paul : oo … alam nyang gumagawa tayo ng project … saka isa pa, nandon din yon sa naunang ginawa namin
Nelson : tara tara

(other location)
(inside the Mall … arcade)

Joey : … (naglalaro ng arcade)
Paul : Joey
Joey : … (tumingin)
Paul : kulang kami sa tao eh … pwede ka ba?
Joey : (habang naglalaro) oo ba, walang problema … tatalunin ko lang muna yung mga chuma-challenge sa kin, sandali lang mga to
Ann : … (binabasa yung script) nakalagay dito, sa C.R. yung susunod natin? Ba’t sa CR? Saang CR to
Paul : may wala masyadong tao sa CR sa third floor kasi may bayad … don
Ann : I mean saang CR?
Paul : … (tumingin kay Nelson) sabihin mo
Nelson : sa … men’s room
Ann : ano!? Ayoko nga!
Paul : anong gusto mo? Sa CR nyo? Eh puro lalake kami dito
Ann : ayokong pumasok sa CR ng mga lalake, okey? (then nag-file ng kuko)
(close-up) Nelson : … (nag-iisip)
Paul’s voice : ano bang problema mo? Gagawa tayo ng project, pra-ject
Ann’s voice : hindi ako papapasukin nila ano ka ba!
Paul’s voice : … o eto, sombrero at jacket ko, isuot mo muna para magmukha kang lalake
Ann’s voice : ayoko noh! May libag at dandruff mo yan!
Paul’s voice : ako pinipilit kong maging mabait sayo pero ginagalit mo ko!
Ann’s voice : magalit ka, saksakin kita eh … saka ayoko sa men’s room! Kadiri don
(normal view)
Nelson : Paul, wala rin naman yatang tao sa women’s room doon na lang siguro tayo
Paul : huh!?
Nelson : ganito, bayaran na lang natin yung nagbabantay nang malaki tapos i-request natin na i-out of order muna sandali yung CR ng mga babae since may phobia tong si Ann sa, men’s room
Paul : … gastos mo
Nelson : … (tinignan yung pitaka) pwede na yata to … o sige
Ann : (embraced Nelson’s elbow) mabuti pa tong si Nelson, understanding, thank you Nelson (tapos binelatan si Paul)
Paul : … (awkward face)
Joey : … ano tara na?
Nelson : (nodding yes)
Paul : … (biniro si Ann, dinikit yung sumbrero nya sa mukha ni Ann)
Ann : (nagulat tapos hinabol si Paul)
Paul : (tumakbo palabas)

— end of Chapter Ten —
Back to top Go down
https://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter Ten
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Chapter 32
» Chapter 41
» Chapter 58
» Chapter 76
» Chapter 47

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: