student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter 56

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter 56   Fri Mar 05, 2010 6:28 am

Short Film Coming : Negative One
" Ang Pagbabalik "
Chapter 56

(other location)
(motorcycle repair shop)

< Rex > : ah Boss, nagpapa-repair po ba tong kaibigan namin ng motorsiklo nya sa shop nyo? (binigay yung picture)
< Owner > : … teka, si Anton to ah tama ba?
< Rex > : opo, tama po
< Christoper > : ah Nong, nagpupunta pa po ba sya dito?
< Owner > : hindi na, matagal na … ilang araw na ring ngang napapansin ko, hindi na nagpapa-repair dito yan
< Rex > : ganun po ba … sige po, salamat na lang po
< Ann > : saan pa po merong repair shop? napagtanungan na po namin kasi yung iba dito
< Owner > : sinubukan nyo na ba sa Magallanes?
< Christoper > : alam mo ba yung Magallanes Ann?
< Ann > : (nodding yes)
< Rex > : thank you po ulit Manong
< Owner > : o sige anytime, pakisabi na rin kay Anton, susubukan ko syang bigyan ng discount magpa-repair lang sya ulit dito, okey?
< Rex > : opo, makakarating po
< Christoper > : ah Manong, bago kami umalis … pwede po bang gumupit ng kapiraso ng buhok nyo, pang-souvenir
< Owner > : (awkward face) … o sige
< Christoper > : nice! teka lang po (kumuha ng gunting)
< Ann > : nakaka-album na yata tong si Christoper ng mga buhok
< Rex > : nabalitaan ko nga pala yung ginawa nyo ni Tupe sa museum, ako na nagpatuloy pagkatapos
< Ann > : nagawa mo?
< Rex > : ako pa
< Ann > : nasan na ngayon yung byulin?

(before)
(hospital lobby)

< Rex’s voice as Narrator > : sabi nung nagbabantay ngayon ng bahay naging malala daw yung pakiramdam ni Lola nitong mga nakaraang araw kaya dinala sya sa ospital
< Receptionist > : kaanu-ano ka nya?
< Rex > : ah kaibigan lang po
< Receptionist > : um-hm … kapag may nagtanong, apo ka nya, maliwanag? lumalala na kasi pakiramdam ni Lola, kailangan nya ng mga katulad mo sa mga huling sandali nya (binigyan ng visitor’s ID)

(patient’s room)

< Lola > : … (nagpapahinga sa kama)
< Rex > : ah Lola, ako po to
< Lola > : … iho, lumapit ka pa para marinig kita
< Rex > : ah La, dala ko na po yung byulin na hinahanap ninyo (binigay)
< Lola > : ang byulin ko? … ang byulin nga ng pamilya ko to (then lumuha)
< Rex > : …
< Lola > : (kinapa pisngi ni Rex) salamat, salamat at naging napakabuti mo sa kin … Christoper
(then ‘flat line’ sound)
< Rex > : … (hinawakan kamay ni Lola pabalik sa byulin)

(back to them)

< Ann > : ‘gasp!’, namatay na si Lola?
< Rex > : hindi ah … yung katabing pasyente ang nag-flat line, hindi kasi naka-private room si Lola eh

(other location)
(campus ground)

< Ann > : … (walking and then noticed Christoper from afar)
(bench)
< Elvis > : (may binabasang papel) di ko magets tong bagong project na gagawin nyo
< Christoper > : (habang nagte-text) di mo magets
< Elvis > : … ahh---, binaliktad nyo lang … galing ah, sinong nakaisip nito?
(enter Ann)
< Ann > : Tupe, asan si Paul? ito na kasi yung sapatos
< Christoper > : tignan mo sa CR ng mga babae, malamang don na naman tumatambay yon

(other location)
(CR ng mga babae)

< Mia > : (ginagamit yung pocket mirror para manilip sa tapat ng ilalim ng stool habang may umiihing babae)
(enter Ann)
< Ann > : Paul, anong ginagawa mo?
< Mia > : (nagulat) sshhh! wag kang maingay
< Ann > : …
< Girl’s voice > : excuse me? may lalake ba dyan? narinig ko Paul ah
< Mia > : ah wala, wala na miss, sinipa ko na papalabas … (then mahinang boses) pwede ba wag nang Paul ang itawag nyo sa kin … pati mga kaklase natin nawi-wirduhan na sa kin
< Ann > : eh wirdo ka naman talaga kahit nung dati pa
< Mia > : bakit ba
< Ann > : ito, naihanap na kita ng size mo (pinakita yung sapatos)
< Mia > : hills yan Ann, hindi ko alam yan
< Ann > : kaya nga tuturuan kita … wala ka na ring pilay kaya tara

--- end of Chapter 56 ---
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter 56
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Shingeki no Kyojin Chapter 55
» No new Fairy Tail chapter this week.
» The Beginning of the N: Chapter 1
» Look Back To Yesterday The Final Chapter Part Two

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: