student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter 54

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter 54   Sat Feb 27, 2010 1:48 am

Short Film Coming : Negative One
" Ang Pagbabalik "
Chapter 54

(other location)
(homeless shelter)

< Ann > : homeless shelter Tupe? sa tingin ko hindi naman magpupunta dito si Anton eh
(kumuha sila ng tray)
< Christoper > : Ann, lahat ng posibilidad kailangang gawin natin … plus nagugutom na ko
(kukuha ng pagkain)
< Kitchen Lady > : hmm mukhang bago lang kayo dito ah, itong pagkain sa harapan mo ay salad na may pira-pirasong retaso ng boxer, at katabi nyan ay buto ng abokado, na may konting laman ng abokado na nakadikit pa … so, anong kukunin mo
< Christoper > : yes, nag-iisip pa ko kung itong tirang spaghetti na inihagis sa lumang dyaryo, o kaya naman itong fried chicken, na korteng katawan ng tao

(after finishing their meal on the table)

< Christoper > : (sumigaw) wow! ang sarap talaga ng pagkain dito grabe! pang-normal na tao woo!
< Ann > : (awkward face)
< Christoper > : ngayong tapos na nating kainin tong nakakadiring pagkain, kaisa na tayo nila
< Ann > : ganun ba yon?
< Christoper > : (agreeing gesture) … ah manong, manong na mabantot
< Ann > : Tupe!
< Christoper > : wag kang mag-alala, kaisa na tayo nila (then wink)
< Manong > : …
< Christoper > : hinahanap kasi namin tong kaibigan namin … (showing picture) Anton ang pangalan nya, nagpupunta po ba sya dito?
< Manong > : hmm, kilala ko lahat ng nagpupunta dito, hindi ko pa nakikita ang isang to
< Christoper > : ganun po ba
< Manong > : oo, kung ako sa inyo sumubok na lang kayo ng ibang lugar
< Ann > : tara na Tupe habang maaga pa
< Christoper > : ah manong, bago kami umalis … pwede po bang gumupit ng kapiraso ng buhok nyo, pang-souvenir
< Manong > : (awkward face, then smile) o sige
< Christoper > : nice! teka lang po (kumuha ng gunting)
< Ann > : ... dito banda Tupe walang uban
< Christoper > : gusto ko nga yung may uban

(other location)
(school bench)

< Mia > : kamusta naman paghahanap nyo … nakita nyo na ba sya?
< Ann > : hindi pa nga eh … kapag naaalala ko lang kasi itsura ng Mommy ni Anton nung lumapit sa kin, parang obligado akong tulungan talaga sya kahit paano
< Mia > : God kayo ni Christoper parehas kayo ng ugali … ako kaya, kapag nawala, hahanapin nyo rin ba ko?
< Ann > : busy ako, wak ka na
< Mia > : …
< Ann > : tara na, magsisimula na pala next subject natin
< Mia > : hala! nawawala saklay ko!
< Ann > : huh? teka, hanapin natin
(school bell rings)
< Mia > : wala talaga! male-late na ko sa next subject
< Ann > : pano ka makakarating sa room mo?
< Mia > : (gumapang sa sahig) kailangang, gru-maduate

(other location)
(classroom)

< Ann > : (nagsusuklay ng buhok)
< Christoper > : Ann may kwento ako
< Ann > : ano
< Christoper > : high school reunion, nagkita-kita yung magkukumpare nung high school ang sabi nung isa, pare panganay ko nakatapos ng doktor, mayaman na at binigyan ng BMW X5 ang syota nung birthday nito … sabi naman nung pangalawa, yung panganay ko engineer, binigyan yung syota ng house and lot nung anniversary nila … tapos may dumating na isa pa, kinamusta sya ang sabi … eto, naghihirap pa rin pero masaya na rin dahil ang anak ko umasenso na … may nagtanong, ba’t ano ba natapos ng anak mo? … ang sagot nya, wala eh, bakla sya … ano kinatutuwa mo dun itinanong ng isa … sumagot sya, kasi binigyan sya ng bmw at house and lot ng mga boyfriends nya
< Ann > : nice!
< Christoper > : (tumatawa)
(then gumagapang papasok ng classroom si Mia)
< Mia > : … (hingal) nandito na ba si Sir?
< Christoper > : wala absent, hindi yata pumasok ngayon
< Mia > : good, makakapagpahinga pa ko … nakakapagod kasi mula first floor hanggang fifth floor
< Ann > : Paul, pumayag ka na kasing tulungan na kita
< Mia > : Ann, hindi papayag pride ko na humingi ng tulong mula sa isang babae … hindi ako ganun, pero kung bubuhatin ako ni Christoper
< Christoper > : busy ako, wak ka na (nag-suklay ng buhok)

(other location)
(outside the school gate)

< Christoper > : … ba’t may mga media dito?
< Elvis > : kinokober yata yung balita tungkol sa misteryosong kubeta na may nakakalat na mga tae sa school natin

--- end of Chapter 54 ---
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter 54
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Shingeki no Kyojin Chapter 55
» No new Fairy Tail chapter this week.
» The Beginning of the N: Chapter 1
» Look Back To Yesterday The Final Chapter Part Two

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: