student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter 45

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter 45   Sun Nov 29, 2009 7:09 pm

Short Film Coming : Negative One
" Ang Pagbabalik "
Chapter 45

(other location)
(outside Christoper's house)

< Rex > : Tupe, ano yang dala-dala mo?
< Christoper > : eto? panglinis, pinaglilinis na lagi ako ng Mama ko para sa matanda naming kapitbahay
< Rex > : ganun ba
< Christoper > : kung wala kang ginagawa, ipapakilala kita kay Lola, ang pinakamalupit na Lola sa buong mundo
< Rex > : panong malupet?
< Christoper > : ang lupit nya hindi ka maniniwala, bulag sya pero naglalaro ng chess
< Rex > : bulag? pero naglalaro ng chess?
< Christoper > : oo … minsan nag-world champion pa nga sya sa chess game competition pero, may iba pa yata syang talent na inexplore kaya isang beses lang sya nanalo
< Rex > : pano naman nangyari yon?
< Christoper > : sabi nya parang photographic memory, meron daw sya nun … alam mo ba yun?
< Rex > : photographic memory? natatandaan mga bagay
< Christoper > : nice di ba

(other location)
(grandma's house)
(naglalaro ng chess)

< Christoper > : … (next move) knight to D – 6
< Lola > : heh heh … (tumira) queen to B – 4, checkmate, haha!
< Christoper > : ano!?
< Lola > : haha, pasensya na, world champion tong kinalaban mo … bayad, bayad na
< Christoper > : … (kinuha pitaka then nagbayad) talo na naman ako!
< Lola > : heh heh (nagbibilang ng maraming pera)
< Christoper > : pwede pautang
< Lola > : wala ka nang pera? tama na … sige magligpit ka na, simulan mo na tong chess heh heh
< Christoper > : … (kukuha ng pera kay Lola)
< Lola > : um! (pinalo kamay ni Christoper) kahit bulag ako nalalaman ko yan, kaya wag mo nang subukan
< Christoper > : (awkward face) … Rex, may pera ka pa ba? pautang muna
< Rex > : kanina pa nga ako naubusan, tinalo na lahat ni Lola
< Lola > : sige na mga bata, wala ng pera, magbalot-balot na … ng mga nakakalat heh heh … Christoper, yung basura nga pala sa kusina, nakaka-isang linggo na yon
< Christoper > : ah La, di ba sabi nyo may iba pa po kayong talent na inexplore? ano pa po yung ibang talent nyo?
< Lola > : marahil alam nyo na siguro, na isa yata akong nirerespeto at tanyag din na byulinista
< Christoper > : hindi po
< Lola > : ah Christoper, pakikuha muna yung maleta malapit sa TV
< Christoper > : … eto po?
< Lola > : kunin mo yung byulin sa loob nyan
< Christoper > : (binuksan) … pero Lola, payong lang po to
< Lola > : payong yan!?
< Christoper > : ganun na nga po
< Lola > : payong yan!?
< Rex > : payong po to Lola
< Lola > : ibig nyong sabihin, fifty-five years akong tumutugtog ng payong!? ba't walang nagsabe sa kin!?
< Rex > : napanood ko na pala kayo, ang akala ko nakakatawa lang kasing tignan
< Lola > : aba't ang mga walanghiya! pinagmukha akong tanga sa stage at telebisyon! … mga adik! mga, shet sila!!! (nagbasag ng gamit)
('CRASH!')
< Lola > : ungh! ... naku, naku nanghihina ako
< Christoper > : okey lang po ba kayo Lola
< Lola > : parang tumataas na naman ang blood pressure ko … kailangan ko na sigurong magpahinga muna
< Christoper > : tulungan ko na po kayo

(other location)
(school)
(Mia is crying)

< Ann > : tama na Mia, okey lang yon
(enter Christoper and Anton)
< Christoper > : o ba't umiiyak yan?
< Ann > : Christoper, patawanin nyo nga muna to
< Christoper > : huh? hindi ako ready
< Anton > : (cellphone gesture) hello, Saint Lourdes hospital? may biktima ng sunog dito, fourth degree burn yata
< Mia > : (still crying)
< Christoper > : (cellphone gesture) ah hello, may nadiskober akong talent dito … gusto mong kausapin? teka … Mia para sayo, manager ng Manila Zoo
< Ann > : ano ba, patawanin nyo hindi insultuhin
< Christoper > : eh ba't nga umiiyak yan?
< Ann > : tinanggal si Mia sa pinapasukan nyang trabaho
< Christoper > : saang trabaho
< Ann > : sa insurance company … nalulugi daw kaya nagtanggal ng mga tao
< Mia > : (crying silently)
< Christoper > : sa palagay ko, hindi yun eh … kunwari nalulugi daw yung kumpanya pero ang totoo, tinanggal lang nila lahat ng mga panget, tapos unang tinuro ng boss si Mia
< Anton > : (napangite)
< Christoper > : (gestures as well) okey, nalulugi tayo, kailangang magtanggal ng mga tao sa kumpanya … Mia, I'm sorry pero ikaw ang una kong tatanggalin, pasensya na
< Anton at Ann > : (tumawa)
< Mia > : … (tumingin kay Ann)
< Ann > : (tumatawa tapos biglang tigil)
< Mia > : (umalis na lang)
< Ann > : ayan, nagtampo na
(tapos tinignan kung may naiwan pang gamit)
< Christoper > : sabi nung boss Anton, kami ang insurance company, nalulugi ang kumpanya kaya magtatanggal kami ng mga tao … tapos, unang tinanggal si Mia … maya-maya binulungan yung secretary, ang totoo nyan, nagtatanggal lang tayo ng mga panget (then tawa)
< Anton > : (hindi natawa) mukhang seryoso pare
< Ann > : Mia hintay! (umalis na rin)
< Christoper > : re-lax, kailangan lang non, konting regalo … (then kinuha cellphone) hello? pagawaan ng itim na sabon?

--- end of Chapter 45 ---
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter 45
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Shingeki no Kyojin Chapter 55
» No new Fairy Tail chapter this week.
» The Beginning of the N: Chapter 1
» Look Back To Yesterday The Final Chapter Part Two

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: