student film makers caught up in two worlds both are lived by them
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Chapter 39

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 373
Join date : 2009-01-04

PostSubject: Chapter 39   Thu Nov 12, 2009 12:03 am

Short Film Coming : Negative One
" Ang Pagbabalik "
Chapter 39

(other location)
(Anton's house)
(late at night … dumating na si Anton)

< Dad > : san ka galeng? gabing-gabi na ah
< Anton > : matutulog na ko (diretso sa kwarto)
< Dad > : hindi pa ko tapos sayo! bumalik ka dito!
(Anton's room)
< Anton > : … (nakahiga sa kama)
< Dad > : … Anton, hindi ko na alam ang dapat gawin sayo … binabali wala mo lang lahat ng pag-aalala ko
< Anton > : (nagtakip ng unan)
< Dad > : di ba, lagi mong itinatanong dati sa kin kung nasan ang Mommy mo?
< Anton > : wala na kong pakialam na sa kanya, matutulog na ko gusto ko nang matulog
< Dad > : Anton, hindi totoo na sinabi kong nawawala Mommy mo … in fact, gusto ka nyang makita ngayon
< Anton > : ..?
< Dad > : (binuksan yung pinto)
(may pumasok na babaeng malaki at mukhang maton)
< Anton > : …
< Mom > : eto ba anak natin?
< Dad > : Anton, sya Mommy mo, kapaparol lang nya galing sa bilangguan
< Mom > : (hinawakan damit sa ilalim ng leeg ni Anton) walang anak ko ang magmumukhang ganito! simula ngayon, maraming magbabago ngayon naiintindihan mo!
< Anton > : (natatakot) Dad, Mommy ko ba talaga sya?
< Dad > : (nodding yes)
< Anton > : hi, Ma

(other location)
(daylight)
(school gate)

< Rex > : sabi nung doktor sa tiyo ko, meron akong good news at bad news sayo … ano po yun? tanong ng tiyo ko … sinabi naman nung doktor, ang good news ay, meron ka na lang 24 hours para mabuhay … sumigaw yung tiyo ko, oh my God! totoo po ba yon!? eh ano po yung bad news pa dyan? … sumagot yung doktor, ang bad news ay, tinatawagan ka na namin simula pa kahapon
< Christoper > : (napangite)
(dumating si Elvis)
< Elvis > : nakadaan ka na ba sa first floor hallway Christoper?
< Christoper > : hindi pa
< Rex > : bakit anong meron?
< Elvis > : ang baho sobra … sabi nung ibang pumasok, puro may tae daw lahat ng dingding sa loob ng kubeta
< Rex > : ano!? hala!
< Christoper > : kanina lang ba?
< Elvis > : nasuspended ka kasi eh … last week pa yata nagsimula, kahit nililinisan daw, mayamaya may mga taeng nakakalat ulit sa loob nung kubeta … malapit pa man din sa canteen
< Rex > : (natawa) sino daw may pakana?
< Elvis > : wala pa nga daw nahuhule eh
< Rex > : talaga?
< Elvis > : oo nga pala Christoper, may assignment ba tayo sa English?
< Christoper > : hindi naman ako gumagawa ng assignment
< Elvis > : … buti pa si Anton, may alam kapag may assignment
< Christoper > : magkaklase ba kayo sa ibang subject?
< Elvis > : isa
< Rex > : speaking of Anton, napapansin ko Tupe, iba na yung mga titig mo kay Anton ngayon ah
< Christoper > : uy usapang lalake gusto ko to
< Elvis > : (awkward face)
< Rex > : alam mo pare hindi kita masisisi, yung appeal naman kasi ni Anton makalaglag panty eh
< Christoper > : nakakalaway di ba, si Anton
< Rex > : kahit kapag natatapik ako ng manggas ng damit nya, naku
< Christoper > : ay naku
< Rex > : naku kinikilig-kilig ako
< Elvis > : … anong, nangyayare
< Rex > : ikaw Elvis, magkwento ka naman tungkol sa inyo ni Anton
< Elvis > : (nagkamot ng ulo) … ano, minsan, naghihiraman kami ng mga notes ni Anton
< Christoper > : exchanging notes? ayos yan
< Rex > : nabasa ko sa teenager magazine, pagkatapos ng exchanging notes, exchanging love letters na kasunod
< Christoper > : nakakainggit ka naman, kulang-kulang kasi notes ko kaya hindi ako pinapansin ni Anton
< Rex > : ano bang pinagsasasabi mo, eh lately ikaw tong mas “bestfriend” (quotation gesture) ni Anton kaysa sa kin
< Christoper > : hindi totoo yan
< Rex > : ikaw tong mas “close”, kay Anton pagdating sa mga pribadong mga lakad nyo
< Christoper > : wala akong alam sa mga sinasabi mo
< Rex > : hindi nyo man lang ako sinasama sa mga lakad ninyong dalawa
< Christoper > : wala akong sasabihin kasi walang nangyayare okey … pero kung pipilitin nyo ko okey sige
< Rex > : (pinisil bewang ni Christoper)
< Christoper > : (natawa) ano ba---
< Rex > : ah-ah ang lan-di (pisil ulit)
< Christoper > : (natawa)
< Rex > : ang lan-di
< Christoper > : ang lan-di, graduate ng lan-di university
< Elvis > : (natawa)
< Christoper > : ikaw Elvis, mahal mo rin ba si Anton?
< Elvis > : … kung, ano siguro ang uso (then nod yes)
< Christoper > : I-kill-you
< Elvis > : (natawa)

--- end of Chapter 39 ---
Back to top Go down
View user profile http://shortfilmcoming.forumotion.net
 
Chapter 39
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Alien Girl,Shiki - chapter 5
» Shingeki no Kyojin Chapter 55
» No new Fairy Tail chapter this week.
» The Beginning of the N: Chapter 1
» Look Back To Yesterday The Final Chapter Part Two

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Kwela Nobela :: KWELA NOBELA : ALL CHAPTERS-
Jump to: